^

Pang Movies

Ivana, ‘di na puwede kay Joshua

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Unknown to many, ang 25-year-old Fil-Moroccan sexy actress at YouTube superstar na si Ivana Alawi (Mariam Sayad Sameer Marbella Al-Alawi) ay naging bahagi ng 2015 reality talent search ng GMA, ang StarStruck, pero hanggang Top 22 lamang ang kanyang inabot. Gayunpaman, siya’y kinontrata ng GMA Artist Center kung saan siya nakagawa ng ilang programa bago siya lumipat sa bakuran ng ABS-CBN.

Nung 2018, si Ivana ay naging bahagi ng Precious Hearts Romances: Araw Gabi na pinangunahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial. On same year ay napasama rin siya sa top-rating and long-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Amor. Sumunod dito ang TV series na Sino ang Maysala? Mea Culpa.

Taong 2019 naman nang pasukin ni Ivana ang mundo ng vlogging on YouTube kung saan ay meron na siyang 15.4 million subscribers, making her the first Filipina YouTube superstar.

Although pansamantalang na-cut short ang kanyang acting career dahil sa pandemic, siya’y nagbabalik sa pamamagitan ng A Family Affair drama series kung saan niya mga kabituin sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito.

Ito bale ang kanyang kauna-unahang TV series with her on the lead role.

Since taken na pareho sina Gerald at Sam, malamang na kina Jameson at Jake siya ma-link na parehong single tulad niya.

Malabo na ring ma-link si Ivana sa kanyang crush na si Joshua Garcia dahil may bago na rin itong inspirasyon ngayon.

Samantala, tiyak na si Ivana ang pinakabagong pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.

Anne, pinaghahandaan na ang concert

Tulad ng aming nasulat sa aming column last Thursday, ang pagbabalik ni Anne Curtis sa noontime program na It’s Showtime ang kanyang big announcement matapos siyang mag-`leave of absence’ nung December 2019 para harapin ang kanyang pagbubuntis and eventually sa kanyang panganganak sa first child with husband na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie who turned two years old nung nakaraang March 2.

Si Dahlia Amelie ay isinilang sa hometown ni Anne sa Australia nung March 2, 2020.

Isang warm welcome ang sumalubong kay Anne sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime sa pangunguna ni Vice Ganda and the rest na bumubuo ng programa.

Ngayong nakabalik na sa It’s Showtime si Anne, haharapin naman niya ang kanyang nalalapit na live concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila on June 11, ang LUV-ANNE at kasunod na rito ang kanyang muling paggawa ng pelikula sa kanyang home studio, ang Viva and a co-venture with GMA Pictures.

Herlene at ibang kandidata, napiling brand ambassadors

Sa buwan ng Hulyo pa mangyayari ang grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2022 na gaganapin sa Araneta Coliseum pero nauna na ang Ever Bilena and its other sister brands sa pagpili ng kanilang bagong brand ambassadors.

Apat na taon na ang partnership ng Bb. Pilipinas at Ever Bilena, na isang cosmetics brand.

Nung nakaraang Biyernes, May 27, rumampa ang 40 kandidata ng Bb. Pilipinas para piliin ang pitong bagong brand ambassadors nila.

Ang No. 8 Bb. Pilipinas candidate mula Angono, Rizal na si Nicole Budol na mas kilala as Herlene ‘Hipon Girl’ Budol ang siyang tinanghal na 2022 Miss Black Water. Ang iba pang winners ay sina Chelsea Fernandez (No. 17) bilang Miss Ever Bilena, Nicole Borromeo from Cebu (No. 23) as Miss Careline, Karen Mendoza from Iloilo City (No. 5) as Miss Hello Glow, Diana Mackey from Nueva Ecija (No. 35) bilang Miss Ever Organics, Roberta Tamondong mula San Pablo, Laguna (No. 40) as Miss Spotlight at Nyca Bernardo from Guiguinto, Bulacan (no. 15) bilang Miss Hyaloo.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with