^

Pang Movies

Trending ang pagbalik...   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

No.1 trending kahapon sa Twitter ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime sa hashtag na #ANNEDitoNaSaShowtime.

Matapos ang dalawang taong absence sa naturang noontime show, finally ay nagbalik na nga si Anne bilang isa sa hosts ng programa.

Masayang-masaya ang kanyang fans at tagasubaybay ng show at ipinost talaga nila sa Twitter ang mga eksena ni Anne.

In fairness, ang bongga naman ng ginawang pag-welcome kay Anne ng show at ng kanyang co-hosts.

Nagsimula ang show sa pagpapakita ng collection ng mga funny clips ni Anne sa show na sinundan ng song number nina Ogie Alcasid, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang and Ion Perez.

Sina Vhong Navarro and Kim Chiu naman ay nagpakitang-gilas sa pagsasayaw na sinundan ng song number nina Karylle, Amy Perez, and Jackie Gonzaga.

Pagkatapos nito ay pormal na in-introduce ni Vice Ganda ang pagbabalik ni Anne sa stage ng It’s Showtime.

Anne performed Ariana Grande’s Break Free na naging comedy pa ang simula dahil bigla siyang tumigil sa pagkanta dahil kinakabahan siya.

“Wait lang, isa pa, isa pa. Kinakabahan ako!” sey niya. Very Anne!

Pinalakas naman ang loob niya ng kanyang mga co-hosts. Sey ni Ogie, “take 2, take 2! Taping lang ‘to!” Sigaw naman ni Kim, “Ate Anne!” Sey ni Vice, “pwede yan!” Sabi naman ni Amy, “isa pa, isa pa anak.”

After her song number ay kasama na si Anne ang co-hosts na kumanta ng theme song ng It’s Showtime na mahigit dalawang taon ding na-miss ng mano­nood.

“I can’t believe it. Anne Curtis is singing again the It’s Showtime theme song at Showtime stage,” tweet ng isang netizen.

Bago magsimula ang show ay panay ang tweet ni Anne na kinakabahan siya.

“Kinakabahan na me!!!! Hahahaha! See you in a few hours madlang people!” tweet ni Anne.

“Ok. Enough of the Twitter bardagulan! Thanks guys. Helped calm my nerves a bit! Time to rehearse! Hahaha see you in a bit!,” isa pa niyang tweet.

Carla, pinaghahandaan na ang annulment?!

Ibinalita ng veteran writer/TV host na si Cristy Fermin na naghahanda na diumano si Carla Abellana ng mga papeles para sa annulment ng kasal nila ni Tom Rodriguez.

Matatandaang tatlong buwan pa lang ikinakasal sina Tom at Carla nang umugong ang balitang hiwalay na ang mag-asawa pero hanggang ngayon ay nananati­ling tikom ang kanilang bibig.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with