^

Pang Movies

Dawn, ‘di nakakalimot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dawn, �di nakakalimot

Parang nabigla ako sa pagbati ni Dawn Zulueta Lagdameo. Alam ko na nasa Davao na sila ng pamilya nila ni Anton Lagdameo na bagong appoint na Special Assistant to the President ni incoming President Bongbong Marcos.

Kinuha ng manager ni Dawn na si Vivian Recio ang address ko kaya parang alam ko na rin na babatiin siguro ako, pero ‘yung personal na sumulat at padalhan ako ng mga ginagawa niyang semi-precious jewelry at pomelo from Davao, talagang touching sa akin.

Lagi kong naalala na nagkasama kami ni Dawn sa trip sa Guam, sa meet and greet ng Filipino fans doon. Noon pa man nakita ko na kung gaano siya ka-sweet. At very thoughtful siya, lagi na ay meron little something from her during Christmas.

Masuwerte si Anton kay Dawn na tinalikuran ang showbiz para maging full-time mother and wife. At si Dawn ang talagang nagkakaedad na artista pero mas gumaganda at siyempre given na ang kanyang katalinuhan.

Thank you, Dawn, sa pag-aalala sa aking birthday.

Mga tumatanggap ng pagkatalo, mas nakakabilib

Isang bagay na hahangaan mo sa isang tao ay ‘yung pagiging gracious loser. Matatawa ka ‘pag naririnig mo ‘yung complaints ‘pag ang isang tao natalo. Either nadaya, dinaya, o kung anu-ano pang dahilan samantalang maliwanag naman kung ano talaga ang gusto ng tao.

Kahit doon sa mga winner ng best actor o best actress kung minsan maririnig mo ang ganyan, baka pulitika ang pagkapanalo, baka nilakad, inayos. Bakit ba hindi natin tanggapin na talagang may nananalo, may natatalo. Alangan naman sa contest pareho o lahat kayo mananalo. Siyempre merong may pipiliin, at ‘pag hindi tayo napili, tanggapin natin. Baka sa susunod tayo naman ang piliin.

‘Kaloka na kahit majority na ang pumili, hindi pa rin matanggap. ‘Pag talo ka wala nang alibi, ibig sabihin, loser ka. Ibigay mo sa winner ang honor na siya ang nagwagi, nanalo, wala na tayong magagawa.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with