Talent fee ni Matteo Guidicelli, hindi kinaya ng GMA 7?!

Nawindang diumano ang mga taga-GMA 7 sa laki ng budget na kasama sa ipinitch na programa ni Matteo Guidicelli. Kaya naman hindi na raw ito nakarating sa top management.

Maganda naman daw sana ang concept pero ‘yun nga hindi kakayanin ng budget.

Kasama ito sa mga blind item sa Take It! Take It! Me Ganon?! kahapon nina Manay Lolit Solis and Mr. Fu na napapanood sa YouTube channel at Facebook page ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

Baka naman kasama sa nasabing package ang talent fee ng misis niyang si Sarah Geronimo kaya ganun? Hindi kaya?

Anyway, kalat na pala ang balitang tsutsugiin na ang Mars.

Isang variety show naman diumano ang ipapalit sa programa nina Camille Prats, Iya Villania and Kuya Kim na ang magiging host ay sina Pokwang and Rabiya Mateo.

Advertising
Scroll to continue

Yes, tsutsugiin na nga raw ang programang Mars na almost 10 years na raw sa ere.

Sina Camille Prats and Suzi Entrata ang original hosts nito.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode 144 ng TITimg, maki-team replay na.

Maraming bonggang mga intriga na dito lang mapapanood, fresh na fresh at walang fake news.

Ivana, kinumpara sa ulam sina Gerald, Sam, Jameson at Jake

“Masaya siya. Actually, nag-enjoy kami kasi parang hindi kami nagtatrabaho non. Kasi ‘pag nasa beach talaga ako, usually ginagawa ko naman talaga nagho-horseback riding sa beach. Kahit before, nasa Balesin… masaya siya,” chika ni Ivana Alawi kahapon sa media conference ng launching project niyang A Family Affair na finally ay mapapanood na.

Apat ang leading man niya rito, kaya sabi nila jackpot ang sexy star / vlogger na ngayon ay may 8 million followers na rin sa Instagram.

Ano bang i-e-expect ng mano­nood sa A Family Affair? Paano niya i-describe ang apat – Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake and Sam Milby?

“Si Jameson, very baby boy. ‘Yun nga ang tawag ko sa kanya. He’s very young and very innocent. Si Jake naman, best friend ko. He’s more of funny. Kapag magkasama kami, puro kalokohan lang ‘yung nangyayari, puro biruan. Very easy-going siya and madaling kausap. Hindi ako natatakot biruin,” sabi niya.

“Kasi sa iba katulad kay Gerald, nahihiya ako biruin pa. Kasi si Gerald naman, he’s very professional lalo kapag nasa taping tapos nag-i-i-internalize siya and ‘pag pumapasok sa character, ang galing talaga. Ako ‘yung nahihiya, ayaw ko magbiro kay Gerald kasi professional talaga.

“Si Sam naman, akala ko dati takot din ako na makatrabaho kasi feeling ko sobrang tagal na sa industriya and sobrang galing. Feeling ko professional siya, English speaking. So natatakot akong makaeksena siya, pero nung first time kaming nagkita, puro biro siya. Sabi niya gusto niya comfortable kaming lahat,” she added. “Lahat talaga nagtutulungan. ‘Pag nag-tetaping para kaming family talaga.”

At kung ide-describe mo sila bilang ulam, ano sila at bakit? “Siguro si Jameson, Kare-kare. Nilalagyan kasi siya ng bagoong. Hindi ko alam! Basta masarap kasi ‘yung Kare-kare. Si Jake naman, barbeque siya. Tusok-tusok. ‘Yung dalawa (Sam at Gerald), Bulalo. Basta…”

Show comments