Marian, may pinayamang endorsement   

Solid na solid pa rin ang samahan nina Marian Rivera at Rhea Anicoche-Tan or Rei, Beautéderm’s President and CEO dahil muli ay pumirma ang Kapuso Primetime Queen ng another 30 months bilang nag-iisang Ambassador ng Reverie Beautederm Home.

Four years na ring Ambassador nito si Marian at sa loob ng panahong ‘yan ay nakabuo sila ng strong friendship.

Ayon kay Marian, during those four years ay nakita raw niya kung gaano kabuting tao talaga si Ms. Rei. “Since Day 1 kasi, nakita ko kung paano siya magtrabaho at kung paano siya ka-hands on, pero ang talagang namumukod-tangi na tumatak sa akin, nagpunta po ako sa kanila sa… may convention sila sa Pampanga, sa Clark, ‘yun talaga po ang tumatak sa akin na sabi ko, napakabuting tao nito,” pahayag ni Ma­rian sa contract signing and presscon kahapon.

“Kasi, sobrang mahal na mahal siya ng lahat ng taong nandu’n, ilang tao ‘yung nandu’n, na umiiyak dahil ibinibigay niya ‘yung mga pangarap ng mga tao na hindi nila alam kung saam sila pupunta, kung ano ang gagawin nila every day, pero nang dahil sa Beautederm, dahil kay ate Rhea, natututo silang maging thankful sa buhay nila. At ‘yun ang hindi ko makakalimutan,” patuloy ni Marian.

Hanggang makauwi nga raw siya sa bahay ay ikinuwento pa niya sa asawang si Dingdong Dantes ang nasaksihan.

“Sabi ko talaga, pag-uwi ko ng bahay, ikinuwento ko sa asawa ko, sabi ko, ‘dad, grabe ‘yung na-experience ko sa ginawang event du’n sa Pampanga, hindi ko makakalimutan kung paano si ate Rei sa mga tao.’ Sabi ko, napakabuti niyang tao at gusto ko siyang alagaan kasi ganu’n din ako magmahal sa mga taong mahal ko,” sey ni Yan.

Advertising
Scroll to continue

Pag-amin naman ni Miss Rei, magbuhat nang naging endorser niya si Marian ay yumaman na siya.

“Mula nu’ng nagkaroon ako ng Marian, yumaman ako. Totoo ‘yun. I’m so thankful. Iba talaga ‘yung Marian. ‘Di ba, aminin naman natin, bakit siya kinukuha ng malalaking kumpanya? Kasi ‘di ba, nagtutulungan kayo, it’s a give and take relationship. Kinuha mo siyang endorser, at the same time, tutulungan ka niya para makilala ‘yung brand mo.

“Hindi ‘yung kinuha mo lang siya dahil sa pangalan, tapos, wala na. Ginagawa niya ‘yung trabaho niya as my endorser,” pagmamalaki ni Miss Rhei.

Show comments