Xian, sineryoso ang pagiging babae   

Napaka-professional ni new Kapuso leading man Xian Lim. Siya ang isang actor na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya.

This week nga ay pasabog ang finale ng GMA Primetime series na False Positive nila ni Kapuso actress Glaiza de Castro. At last Monday nga nagsimula nang mapanood si Xian na isa nang babae, mula sa isang lalaking nabuntis gawa ng mga engkantadong sina Malakas at Maganda.

At para makaiwas sa tsismis, nagbihis-babae siya at carry naman niya, naka-wig nang mahaba, at nag-make-up transformation. Kaya naman nag-trending si Xian.

Ang kuwela ay natuwa pa ang mommy Mary Anne ni Xian, at sabi nito: “The daughter I never had, Pretty yarn!”  Kasi ang ganda raw ng anak niyang binata.

Natuwa naman si Xian at nagpasalamat sa suporta ng mommy niya, na anumang gawin niya sa role na tinanggap niya ay approved sa ina.  

Sa Friday, May 27, mapapanood na ang finale ng False Positive, 8:50 p.m.,

Advertising
Scroll to continue

Jake at Inah, going strong

Going strong pa rin ang relasyon nina Kapuso artists Jake Vargas at Inah de Belen. Back to work na si Jake sa family sitcom na Pepito Manaloto at very soon, mapapanood na rin siya sa bagong GMA Afternoon Prime na The Fake Life.

At doon nakausap ng Chika Minute si Jake na ipinagtapat niyang nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ng parents ni Inah na sina John Estrada at Janice de Belen, na nagbigay ng advice sa kanya.

“Sabi ni Daddy John sa akin, huwag kaming magmadali, darating naman din ang time na ‘yun,” sabi ni Jake.

Inihayag naman ni Inah na supported niya si Jake sa bago nitong project na makakatambal muli ni Jake ang dating ka-loveteam at ex-girlfriend na si Bea Binene, after seven years. Pangungunahan ni Ariel Rivera, sa pagbabalik niya sa GMA, ang The Fake Life, katambal si Beauty Gonzalez with Sid Lucero. Gaganap si Bea as the young Beauty, si Jake naman ang batang si Sid at ka-love triangle nila si Kristoffer Martin na gaganap na batang Ariel. Kaya natanong sina Jake at Bea kung nagkaroon ba sila ng ilangan sa isa’t isa sa first scene nila together.

“Matagal din po kaming hindi nagkasama sa TV, kaya medyo nangangapa pa noong una, pero nang tumagal okay na kami,” sagot ni Jake. “Medyo po mabibigat ang mga eksena namin ngayon, ‘di tulad noon na dating sweet at mga kilig moments.”

Mapapanood na ang The Fake Life simula sa June 6, 4:15 p.m. sa GMA 7.

Sen. Bong, may bagong ‘babae’

Muli palang naghahanda si Senator Bong Revilla sa ipapalit niyang serye after ng Agimat ng Agila sa GMA Network.

Ayon sa source, may dalawang storyline nang nai-present kay Sen. Bong na kanyang pag-aaralan kung alin ang gagawin niya.

Ang problema ngayon ay kung sino ang bago niyang magiging leading lady after nina Sanya Lopez at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, na nakatambal niya sa first and second season ng Agimat.

Show comments