Huling gabi ng lamay...

Dapat sana’y hanggang kagabi, May 24, na lamang ang huling lamay sa Movie Queen at legendary actress na si Susan Roces sa Heritage Memorial Park in Taguig City pero ito’y in-extend ng isa pang araw today, March 25, to accommodate more friends and fans na gustong magbigay ng kanilang huling respeto sa namayapang movie icon.

Mula sa NAIA 3 ay minabuti na naming dumaan sa Heritage para magbigay-pugay sa nag-iisang Susan Roces who was not only a friend kundi isa ring kumare.

Kung pagbabasehan namin ang dami ng mga naggagandahang bulaklak na umabot na hanggang sa labas ng main entrance ng Heritage, isang patunay kung gaano ka-well-loved ang namayapang movie queen.  Napakahaba rin ng pila ng mga taong nagnanais na makita ang kanilang idolo sa huling pagkakataon. Sa loob ay inabutan namin doon ang magkapatid na Charo at Malou Santos, ang talent manager na si Veanna Forres, Mario Dumaual ng TV Patrol at ilang mga kaanak at mga kaibigan ng yumao.

Sa loob ng kanyang kabaong ay makikita ang isang napakaganda at maamong mukha na minahal at hinangaan ng publiko.

Since wala pa kaming tulog mula sa aming biyahe galing Japan, hindi na kami nagtagal sa wake.

Samantala, si Susan ay ihahatid sa kanyang huling hantungan bukas, May 26, sa Manila North Cemetery at ihihimlay katabi ng kanyang mister, ang Movie King na si Fernando Poe, Jr. na sumakabilang-buhay nung Dec. 14, 2004.

Advertising
Scroll to continue

Dating sexy-actress na si Ramona Revilla, sosyal ang buhay sa Japan 

Whenever we are in Japan, parati kaming iniimbita ng aming inaanak (sa kasal) ang dating sexy actress na si Ramona Revilla (Mohsyl Ensafian-Farrell sa tunay na buhay) na pumunta sa kanilang bahay sa Yokosuka sa labas lamang ng US Navy Naval Base kung saan nagtatrabaho ang kanyang American husband na si Fred Farrell bilang engineer pero hindi ito natutuloy dahil abot ito ng dalawa at kalahating oras by train. Pero last Sunday, natuloy kami ng anak kong si Aila Marie dahil sinamahan kami ng Japan-based singer-businessman na si Bobby Valle who drove his van.

Napakaganda ng kanilang four-bedroom house fronting the park na ang rent of $4,000 maging ang kanilang utilities expenses ay sagot ng US government bukod sa libre rin ang education sa loob ng base ng kanilang beautiful triplet daughters na sina Frede­rie, Freosyl at Fersiana (8). Mula sa kanilang bahay ay sabay-sabay na kaming pumasok ng Base (after going through the process for visitors like us) kung saan kami nag-lunch, namasyal sa loob at kaunting shopping.

Sobrang napaka-warm and accommodating ng mag-asawang Ramona at Fred at hindi namin maialis ang aming pagiging masaya para sa buhay ngayon ng dating Fil-Persian sexy actress sa pagkakaroon ng loving, caring and supportive husband na si Fred at tatlong naggagandahang triplets.

The couple also maintains a beautiful house sa BF Homes, Parañaque kung saan naroon ang ina ni Ramona na si Sylvia Gabat kasama ang ilang helpers.  

Show comments