Jowa ni Angeline, ambisyoso?!

Parang tumayo ang balahibo ko nang mabasa ko na gusto raw ni Angeline Quinto na mag-artista ang non-showbiz father ng kanyang naging anak.

Sa nabasa ko, may 3 anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline.

Naanakan niya si Angeline  at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz.

Bongga ‘di ba! Parang ganun kadali lang ay puwede na siyang maging celebrity?

Parang nagkaanak ka sa 3 babae, puwede ka nang matinee idol? Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpaanak sa kanya?

Ang ilusyon dapat may realidad din. Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papa­sukin mo.

Advertising
Scroll to continue

Porke pinatulan ka at nagpaanak ang isang Angeline, pang showbiz ka na?

Naku, dapat siguro magkaroon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala.

Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mong pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout.

Kanya-kanyang diskarte...

Maganda naman talaga ang balak ni Robin Padilla na huwag nang mag showbiz pagkatapos manalo na Senador.

Pero hindi rin naman puwede na maging batayan iyon para huminto iyon ibang taga-showbiz na naging pulitiko.

Ipakita na lang ni Robin iyon magiging trabaho niya, iyon maibibigay niya as Senator, saka natin tingnan iyon wisdom ng kanyang desisyon.

Kung para kay Robin mas kakayanin niya kung Senado lang ang haharapin niyang trabaho, ok iyon.

Kanya-kanyang diskarte iyan, kanya-kanyang buwelo sa trabaho. Iyon ok sa isa, puwede hindi sa kabila.

Show comments