Angeline, laging walang cash!  

“Hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to.” Ito ang pahayag ni Angeline Quinto tungkol sa boyfriend na si Nonrev Daquina.

Sa latest vlog nga ni Angeline with Nonrev ay maraming nilinaw ang magdyowa at isa na nga rito ang isyung pera lang daw ang habol sa kanya ng BF at ama ng kanyang first baby.

Ayon kay Angeline, siya raw ang parating nanghihiram ng pera sa BF lalo na nga noong buntis siya.

“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. Magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” sey ng singer.

“Nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” dagdag niya.

Masasabing give and take naman daw ang relasyon nila.

Advertising
Scroll to continue

“Para lang malinaw sa inyo ha, hindi ako pineperahan nito. Ako pa yung namemera sa kanya. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilihin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera. Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin yun, bahala na siya,” saad pa ni Angeline.

Vice emosyonal nang maapak ulit sa comedy bar

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Vice Ganda nang pumunta siya ng comedy bar few days ago.

Ngayon lang kasi ulit siya nakapasok ng comedy bar simula nang nag-pandemic.

Kwento ng Unkabogable Star sa kanyang Twitter account, naging emosyonal siya nang muli niyang nakita ang kanyang pinagmulan.

“Went to a comedy bar tonyt. Saw some familiar faces. Got emotional while watching them on stage. Saw myself. My beginnings. My heart was joyful. Couldnt help but to say THANK YOU LORD repeatedly in my mind. To all the comedy bar performers and staff you will always be special!” ang tweet ni Vice Ganda.

As we all know ay sa comedy bar nagsimula ang TV host bilang performer and stand-up comedian.

Show comments