^

Pang Movies

Rhian, tinawag na petrang kabayo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rhian, tinawag na petrang kabayo!

‘Kaloka ang basher ni Rhian Ramos na nag-comment ng “Look-alike ni petrang kabayo, maghugas ka na lang ng pinggan.” Comment ito ng basher sa post ni Rhia na kunwari may TVC siya washing the dishes, seductive ang TVC at may slow-mo effect pa.

Pinagbigyan ni Rhian ang basher sa sagot nitong “Madali akong kausap” at naghugas na ng marami, pati frying pan na ikinatawa ng kanyang celebrity friends at followers.

At kung mukhang kabayo raw si Rhian, paano na lang sila na mga hindi kasing ganda ng aktres. Gusto tuloy nilang makita ang mukha ng basher, hindi lang nila mahanap sa socmed dahil tinakpan ni Rhian ang pangalan nito.

Anyway, matatapos na ang Artikulo 247 at umaasa ang fans ni Rhian na may next project na siya at sana raw, sa primetime naman.

Mahusay naman daw na aktres si Rhian at ilang beses na niya itong napatunayan.

Glaiza at Ruru, magiging host ng Running Man PH

Ngayong Martes daw ang storycon ng Running Man Philippines, ang popular reality game show ng South Korea na gagawan ng Philippine version ng GMA-7.

Sa storycon, ipakikilala ang hosts at makakasama nila sa game show, pero may mga nakahula na kung  sinu-sino sila, kaya abangan natin kung tama ang hula ng   fans.

Binigay na clues ng dalawang hosts ang singer/actress na matatapos na ang series at swak ito kay Glaiza de Castro dahil hanggang this week na lang ang False Positive nila ni Xian Lim. Ang Running Man Philippines  daw ang rason kung bakit bumalik agad ang aktres from her and husband’s David Rainey’s vacation sa Ireland.

Isang hunk actor daw na may malapit nang ipalabas na series ang magiging co-host ni Glaiza at nahulaan din na si Ruru Madrid ang tinutukoy na bida sa Lolong.

Sa mga kasama o contestant, kabilang daw si Xian at tumama sa kanya ang clue na komedyante ng isang drama series dahil sa False Positive  nagku-comedy siya.

Kasama rin daw si Pekto at may galing sa reality show, actor sa isang BL series at isang baguhang aktres.

Sa South Korea ang lock-in taping ng reality game show, sa June na raw ang alis ng hosts, cast o contestants at one month silang tatagal doon.

Wala pang announcement kung kailan ang airing ng Running Man Philippines.

Cong. Arjo at Maine, mas intimate na ang relasyon

Naka-post sa Instagram ni Maine Mendoza ang wedding photos ng sister niya at kasama sa kanyang pinost ang photos nila ni Cong. Arjo Atayde. Bukod kasi sa boyfriend siya ni Maine, kasama rin siya si Arjo sa wedding entourage na si Maine naman ang Maid of Honor.

May isang larawan sina Maine at Arjo na kinakiligan ng kanilang fans, ito ‘yung litrato na nakapatong ang mga paa ni Maine sa lap ni Arjo.

Nakapatong naman ang left palm ni Arjo sa binti ni Maine at nakangiti pa si Arjo, kaya iba ang dating.

May mga nagbiro tuloy na para silang married couple sa ayos nila na very comfortable na sa isa’t isa.

May mga nag-wish tuloy na sana, sila na ang sunod na ikasal dahil matagal na rin naman ang relasyon nila, maayos at walang isyu sa kanilang dalawa.

Mas maganda rin daw kung magpakasal na sila para may First Lady na si Arjo na congressman na nga at maganda kung matutulungan siya ni Maine.

Wake ni Susan, extended

Nakiramay at pumunta sa wake ni Susan Roces ang ilan sa cast ng Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin.

Kasama ni Coco sina Lorna Tolentino, Rowell Santiago, Richard Gutierrez, Jaime Fabregas, at John Arcilla, at iba pang kasama sa cast.

Marami ang naiyak sa mensahe ni Coco at lalo nilang mami-miss si “Lola Flora” na ginampanan ni Susan.

 Extended ang public viewing ng mga labi ni Susan hanggang bukas para mabigyan pa ng oras ang mga kaibigan at fans.

Ang interment ay sa Thursday, May 26 sa Manila North Cemetery.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with