Pia, Kim Kardashian na ang galawan

Summer pa rin para kay Pia Wurtzbach kahit sabi ng PAGASA (The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ay tag-ulan na talaga.

Parang si Kim Kardashian ang idol niya.

Grabe todohan ang mga social media post niya na naka-two piece as in bongga ang sizzling beach snap sa tiny swimwear.

“Summer’s not yet over,” aniya habang suot ang orange two-piece bikini.

Actually, kahit nga si Ellen Adarna ay napa-comment ng “Mas malumos kos boobs nimo kaysa sa tubig lol bestinboobs award goes to pia wurtzbach” na sa Tagalog ay “Ang iyong boobs ay mas malambot kaysa sa tubig lol bestinboobs award goes to pia wurtzbach.”

Katatapos lang magpatanggal ng breast implant ni Ellen.

Advertising
Scroll to continue

Anyway, orig at wala raw talagang retouch and boobsie ng dating beauty queen na sabi nga niya ay para lang kay ‘Jeremy Jauncey.’

Engaged na sina Pia and Jeremy na parehong hot item sa social media.

Ronnie at Loisa, may sumpaan hanggang pagputi ng buhok

Do you imagine yourself na hindi lang 40 days tatagal ang relationship n’yo? Tanong ng press kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa ginanap na advance screening / media conference ng teleserye nilang Love In 40 Days.

Parang aabot yata ng 40 years or more than that? ’Yun ang goal! Actually, kasi kami ni Ronnie pumasok kami ng relasyon na dapat seryoso, dapat alam natin ‘yung gusto nating patutunguhan kasi kung laro lang, eh ‘wag na lang. Work na lang talaga tayo,” sagot ni Loisa.

Hirit naman ni Ronnie :“Sabay kaming puputi ang buhok, sabay.”

Is it too early to ask? Wala pa bang planong kasal?

“Ah wala pa naman plano,” sabi ni Ronnie.

Ayon kay Loisa ayaw nilang mag-suffer in the end kaya nag-iipon muna sila. “Ipon muna, ‘yun ang mahalaga. Kailangan, para sa akin, ‘pag papasok ka sa mga ganyang sitwasyon, family or ‘yung pa-level up na, kailangan talaga maayos ‘yung plano, pinag-uusapan, kasi syempre ayaw namin mag-suffer ‘yung sa dulo. ‘Di ba nga ‘nasa huli ang pagsisisi’ kaya dapat pinaplano talaga.”

 “Saka importante sa amin is… masaya kami,” dagdag pa ng actor.

Anyway, gaganap na multo ni Loisa sa  Love in 40 Days na mapapanood simula Mayo 28 sa iWantTFC at Mayo 30 naman sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at TV5. 

Ibinahagi rin ng real life couple na naging challenging ang kanilang pagganap sa serye, na kauna-unahang teleseryeng pagbibidahan nila.

“Nakakataba ng puso pero kinakabahan pa rin. May pressure pa rin. Medyo nahirapan lang ako kasi ‘yung role ko dito, hindi talaga siya bida eh, may pagkakontrabida rin siya,” sabi ni Loisa.

“Naging mahirap talaga sa amin kasi sa totoong buhay, kami talaga. So ‘yung acting namin na kailangan hindi kami, na hindi maramdaman ng tao na kami talaga, mahirap. Hindi kami nagpansinan sa set para mas maganda ‘yung atake namin,” dagdag ni Ronnie.

Show comments