Coco, pangarap na lola sa totoong buhay si Susan  

May karapatang angkinin ni Coco Martin bilang Cardo Dalisay sa last long running series ng movie queen and icon na si Susan Roces na siya ang naging last leading man nito.

Yes, sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Mag-lola ang role nila sa kinamata­yan nitong series. “Dream lola ko siya sa tunay na buhay. Na unfortunately, I never and will never have. Tita Susan, I will always remember and pray for you,” ani Coco.

Nakatakdang ilibing si Susan sa tabi ng libangan ni FPJ (for Fernando Poe Jr., her late husband) sa Manila North Cemetery.

FPJ died in 2004.

Susan passed away May 20, Friday (2022).

Advertising
Scroll to continue

May you both rest in peace, FPJ and Susan.

Willie, malaki ang papel sa pagbabago ni Herlene

Wow, Salve A., tiyak tuwang-tuwa si Willie Revillame sa balitang posibleng makapasok si Herlene Nicole Budol, mas kilalang Hipon Girl, sa listahan ng finalists ng Bb. Pilipinas 2022.

Malaki ang papel ni Willie sa lahat ng mga ‘nabago’ kay Herlene, lalo’t sa personalidad nito.

Yes, mula nang ginawa niya itong isa sa co-host niya sa Wowowin.
Pangaral lang ni Willie kay Herlene, manatili itong mabait at mapagkumbaba.

Ito pa rin daw ang dalawa sa magandang assets na dapat taglayin ng bawat Pilipino.

Mother Lily at Father Remy, pang-movie ang love story

You may not know this.

Pero, alam n’yo bang itinuturing na pinakamayaman na Bikolano sa Bicol ang pamilya ni Mother Lily Monteverde?

Lily Yu is her real name. And in Bicol, lalo’t during kasagsagan ng Copra, her father, Dominic Yu, was the Copra King ng Bicol.

But the movies has always been her love, according to Mother Lily. Kaya, sa showbiz daw siya nag-focus.

Sa Saint Scholastica’s College siya nag-aral ng high school at college.

Dito nagtagpo ang landas nila ni Father Remy na sa katabing school ng Saint Scho naman nag-aral. The San Beda College.

Hindi ka ba kinikilig, Salve A., sa kuwento ng pag-iibigan na namagitan kina Mother Lily at Father Remy?

Para kang nanonood ng isang pelikulang produced by Regal na ang karamihan sa mga dating movies ay napanood mo na o mapapanood mong muli sa GMA Films Presents?

Show comments