Coco at Julia, todo ang pasasalamat kay Lola Flora   

Ramdam na ramdam namin ang pagdadalamhati nina Coco Martin at Julia Montes sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Matagal na nakasama nina Coco at Julia si tita Susan sa kanilang mga proyekto lalo na nga ang aktor dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano pa lang ay seven years na niya itong katrabaho.

Sa kani-kanilang Instagram account ay nakaka-touch ang pag-alala at papugay na ibinigay nina Coco and Julia para kay tita Susan.

Mas nakakaiyak ang post ni Julia na ipinakita pa ang handwritten letters sa kanya ni tita Susan. Sa caption ay labis-labis ang pasasalamat niya sa yumaong veteran actress sa lahat ng mga naituro nito sa kanya.

“One of the few handwritten letters from you …

“Hinding-hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig. mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral… mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan…

Advertising
Scroll to continue

“Isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan…

“Wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po !,” ang touching message ni Julia for tita Susan.

Pumanaw ang Reyna ng Pelikulang Pilipino nitong nakaraang Biyernes, May 20.

P-pop generation member na si Denise, gustong subukan si Diego

Simula nang pumalaot sa pag-arte at pagpapa-sexy ang dating P-Pop Generation member na si Denise Esteban ay sunud-sunod na ang kanyang naging pelikula.

Una siyang napanood sa Vivamax Original Movie na Kaliwaan as the second lead to AJ Raval. Pagkatapos nito ay binigyan na siya agad ng lead role sa Doblado.

Ngayon ay bida ulit siya sa upcoming Vivamax film na Secrets kasama sina Janelle Tee, Benz Sangalang and Felix Roco.

Tulad ding ng ibang Viva sexy stars, wala ring takot sa paghuhubad si Denise at katuwiran niya, wala naman daw masama sa kanyang ginagawa dahil kailangan naman talaga sa role.

Sa mediacon ng Secrets ay natanong si Denise kung sino ang aktor na gusto niyang maka-love scenes at binanggit niya si Diego Loyzaga.

Bakit siya? “Pogi, eh,” natatawa niyang sagot. “Saka crush ko na siya dati pa, before pa ako mag-artista, nakikita ko na siya.”

Show comments