^

Pang Movies

American host na si Steve Harvey, sinorpresa si Dingdong   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
American host na si Steve Harvey, sinorpresa si Dingdong              

Isang malaking sorpresa pala kay Fami­ly Feud Philippines host Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at kanyang game show team nang batiin sila ng American host ng US version na si Steve Harvey.

“Mabuhay Philippines, this is Steve Harvey. Look, I wanna congratulate Family Feud Philippines on GMA Network. Family Feud is now the most watched game show in the entire Philippines. Wow! You guys are unbelievable! Keep it up, Kapuso” mensahe ni Steve sa isang video na ipinakita sa Chika Minute ng 24 Oras last Friday.

Tuwang-tuwa itong sinagot ni Dingdong ng “Pareng Steve maraming salamat sa ‘yo!” Wow, as in sobrang kakaiba ‘yung feeling. Kulang na lang magsitalon kami rito sa set nang malaman namin ‘yung ratings,” dagdag pa ni Dingdong.

Hindi naman kataka-taka na nakarating ang balitang ito tungkol sa Philippine version ng Family Feud, dahil kahit nga rito sa atin ay pinag-uusapan ang game show na nagbibigay-saya sa lahat ng mga manonood Mondays to Fridays, 5:45 p.m., at nagbibigay ng almost P300,000 sa contestants araw-araw.

Alice, nilinaw ang pagpapakilala sa panganay na anak

Nilinaw na ni Kapuso actress Alice Dixson kung sino si Sassa, ang ipinakilala niyang panganay na anak noong Mother’s Day, kasama ang bago niyang daughter na si Baby Aura, sa Chika Minute ng 24 Oras. Ayon kay Alice, lagi raw silang magkasama ni Sassa, pero hindi niya agad ipinakilala ang panganay niya. “She came into my life, teenager pa lang siya,” sabi ni Alice. “Strict kasi iyong father niya, parang ang hirap ko siyang ipakilala sa buong mundo. Lagi ko siyang kasama sa mga lakad ko although hindi ko siya binabanggit. Kahit hindi ako ang biological mother niya, I love her ang is very proud of her. I acknow­ledged Sassa’s mom, who took care of her growing up. Buhay ang mom niya at ayokong angkinin ang credit sa pagpapalaki ng kanyang anak, yet I was there because hiwalay sila ng father at mother niya. Gusto kong ibigay ‘yung respeto sa kanyang mom.”

Meanwhile, enjoy si Alice sa kontrabida role niyang si Ingrid Domingo sa First Lady na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 after 24 Oras.

Ken, mas nasaktan sa ‘hiwalayan’ nila ni Rita

Maraming nanghihinayang kung magkakahiwalay na ang RitKen loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan. Naging very close ang dalawang Kapuso stars simula nang pagtambalin sila sa afternoon prime series na Special Tatay hanggang sa nagkasunud-sunod na ang tambalan nila sa TV at movies.

Akala ng netizens sila nang dalawa dahil sa sweetness nila tuwing magkasama sila sa mga programa ng GMA. Mukhang ang nasaktan sa paghihiwalay ng love team ay si Ken, dahil sa remarks niya sa kanyang Instagram.

DINGDONG DANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with