Heart, 10 dresses ang pinagpipilian sa cannes filmfest

Nasa France na sigurado si Heart Evangelista dahil naimbitahan siya sa ginaganap na Cannes Film Festival na nagsimula noong May 17 hanggang May 28. Sa interview kay Heart sa 24 Oras, nabanggit na pinaghahandaan niya ang red carpet na laging star-studded event.

Ang kuwento nito kay Nelson Canlas, sa una, binigyan siya ng 10 dresses na pagpipiliang isuot sa big event.

“Well for now I will be wearing European designers kasi sila ‘yung nag-invite sa akin. We started with more than 10 dresses, but I think we are down to five. But it depends, because there are some events that I’m still going to attend, but it depends sa schedule ko. So, nakahanda lang siya.”

Bago lumipad para sa Cannes Film Festival, sinamahan muna ni Heart ang asawang si Senator-elect Chiz Escudero sa proclamation nito bilang isa sa 12 winning senators. Suot ni Heart ang white dress na gawa ng favorite niyang designer na si Mark Bumgarner.

Juday, nagpasalamat kay Susan

Kabilang si Judy Ann Santos sa mga nalungkot sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces at sa kanyang Instagram, nag-post ito ng larawan nila ni Ms. Susan at inalala ang kabaitan ni Ms. Susan.

“Nakakalungkot... pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag-iisang reyna ng pelikulang Pilipino.. your generosity, your genuine love and words of wisdom.. yung pag spoil mo sakin sa taping ng probinsyano, yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo.. yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay.. at higit sa lahat.. yung tunay na pagmamahal at pakikipag kapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan.. lahat ng itinuro mo sakin.. sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang asa industriya natin.. rest in peace tita susan..”

Advertising
Scroll to continue

And speaking of Judy Ann, ang ganda ng beach house nila ni Ryan Agoncillo sa Batangas. Nakita ang beach house ng mag-asawa dahil sa video na kuha ng friend nilang si director Sid Maderazo na naimbitahan nila sa kanilang bahay at ang pamilya nito. May pool sa harap ng bahay ng mga Agoncillo, kaya enjoy ang mga bisita nila at siyempre, ang kanilang mga anak.

Gerald at Lola ni Julia, nag-bonding na rin

Nagkita na rin ang lola ni Julia Barretto na si Inday Barretto at ang boyfriend ng aktres na si Gerald Anderson sa birthday ng mom ni Julia na si Marjorie Barretto. First time yatang magkita ang dalawa at sabi ng fans, maaliwalas ang mukha ni Inday, kaya walang nag-comment na hindi nito tanggap si Gerald para sa apo.

Magandang basahin ang comments ng fans sa pagkikitang ito ni Gerald at lola ni Julia. Mukhang okay na raw ang both sides ng family ng magdyowa, ang feeling nila, malapit na ang kasalan. Lalo at nabanggit ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda na “yes” agad ang isasagot niya kapag nag-propose si Gerald.

Nabanggit pa ni Julia na hindi siya takot sa marriage at exciting pa nga ang tingin niya rito. 

Show comments