Marian, hinihintay sa bagong endorsement

Ang daming naghihintay ng meet the press ni Marian Rivera for Beautederm. Talagang magiging event of the year ang presscon niya dahil nga matagal ding walang face to face happening at kung meron man iilan ang invited, at iba rin ‘pag si Marian ang subject na interview mo.

Kaya naman talagang excited sa gaganaping presscon ang lahat, lalo pa at darling of the press si Rhea Tan ng Beautederm. Bongga talaga dahil sure na event of the year ang magaganap na presscon.

Text message, nakakapagpasaya

Naku, Salve, ha, ngayon ko na-feel na talagang ‘pag sinasagot mo mga text message sa iyo ang daming oras ang kakainin talaga.

Napakalaking nagagawa ng text sa atin. Sa isang sandali puwede mong i-convey ang pagbati mo sa isang tao, puwede mong pasayahin ang mood ng tatanggap ng text mo. Kahit halos isang araw yata ang ginugol ko sa pagsagot sa lahat ng text sa akin, nag-enjoy pa rin ako dahil imagine mo binigyan nila ng oras ang pagbati sa aking birthday.

Appreciate much talaga, love ko talaga na kahit sa text nabati ako.

Show comments