^

Pang Movies

Rayver at Julie, ‘di na nagtatago   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rayver at Julie, �di na nagtatago            

Kinilig na naman nang bonggang-bongga ang mga JuliVer fans dahil sa cute na sagutan nina Julie Anne San Jose and Rayver Cruz sa Twitter last Thursday.

Nag-upload si Rayver ng picture ni Julie Anne at nilagyan niya ito ng caption na “crushee.”

Ni-retweet ito ni Julie Anne at nilagyan naman ng caption na “hi crush.”

Sumagot naman si Rayver ng “face holding back tears” at “melting face” emojis.

Nag-reply naman si Julie Anne ng “have fun in Canada! Come back home wait kita.”

Sagot naman ni Rayver, “yes balik ako agad hehe.”

Kasalukuyang nasa Canada kasi si Rayver para sa One Magical Night concert tour.

Kantyaw tuloy ng netizens parang two years daw mawawala si Rayver kung mag-usap ang dalawa gayung ilang araw lang naman daw ito sa Canada.

Komento naman ng isang fan, “ano pa kaya pag mag asawa na tong dalawang to. Hayss, yoko na.”

Matapos magdeklara ng pag-ibig si Rayver kay Julie Anne sa birthday celebration ng aktres kamakailan, inaabangan ngayon ng lahat kung kailan naman ang announcement na officially dating na sila.

Well, sa aming nakikita sa dalawa, we think na “getting there” na sila kung hindi man “there” na. Kumbaga, wala nang iba pang pupuntahan kundi sa isang relasyon.

Kylie, nasa better place na

Matapos ikumpirma ni Jake Cuenca ang breakup nila ni Kylie Verzosa last month, mukhang okay na okay na ang aktres bagama’t aminado siyang hindi pa raw siya ready na magsalita tungkol dito. “Siguro sa tamang panahon makakapagkwento ako or salita, pero sa ngayon, hindi pa siya tamang panahon,” ani Kylie sa screening/presscon ng Ikaw Lang ang Mahal, her latest film from Vivamax kung saan ay kapareha niya sa kauna-unahang pagkakataon si Zanjoe Marudo.

Pero mas okay na raw siya ngayon kaysa noong first presscon ng movie na talagang ayaw niyang pag-usapan si Jake.

“I’m better na ngayon. I’m in a better place now than where I was before,” she said.

Kinumpirma niyang magkaibigan pa rin sila ni Jake.

Matitindi ang love scenes nina Z and Kylie sa Ikaw Lang ang Mahal but we’d say, artistically done naman lahat lalo na nga ang mainit nilang eksena on top of the mountain kung saan ay pareho silang hubo’t hubad.

Tinanong namin si Kylie kung ano ang reaction ng parents niya nanood din sa private screening. “Hindi ko talaga alam,” natatawa niyang sabi. “Hindi ko talaga sila in-invite pero in-invite nila ‘yung sarili nila, wala na akong magawa, parents ko sila.”

Hindi ba siya kumportable na mapanood ng parents niya ang love scenes niya? “Hindi,” natatawa niyang sambit. “Hindi talaga. Pero wala na akong choice, eh. Wala, nagalit na ‘yung daddy ko sa ‘kin. Sabi niya, ‘I’m gonna watch.’ Okay, sige.”

Dagdag pa ng dalaga, “ayaw ko silang ma-shock or masaktan, pero mukha naman silang happy.”

Grateful naman daw siya na sobrang supportive ng parents niya sa kanya.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with