^

Pang Movies

Jane, handa na talagang lumunok ng bato

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jane, handa na talagang lumunok ng bato

Kasama sa line-up ng shows ng ABS-CBN this year ang Darna ni Jane de Leon at ipinakita na rin ang teaser nito na magugustuhan. Ang husay ni Jane sa kanyang action stunt, lumilipad siya. Simple lang ang caption ni Jane sa kanyang post na “Ding! Ang Bato!”

Ang astig ng teaser, pati ang paglabas ng pangalan ni director Chito S. Roño na director ng Darna. Walang exact date ng airing ng series, basta nakalagay ang “Coming Very Soon!” Mapapanood ito sa seven platforms kasama ang TV5 at A2Z Channel 11.

Kabilang sa nag-comment by posting an emoji ng flexed muscle ay si Angel Locsin, isa sa mga gumanap na Darna. Nag-comment din ng six red heart emoji si Iza Calzado na kasama sa cast at kundi kami nagkakamali, gaganap ding Darna.

May pinost ding photo si Jane na nakatalikod siya, suot ang headdress ni Darna at sa headdress pa lang, marami na ang excited. Ito’y kahit may comment na tila iniba ang headdress ni Jane rito kumpara sa ibang gumanap na Darna.

Shayne at Abdul, pinu-push ang tambalan

Mabuti naman ang pinu-push ng GMA 7 at Sparkle Artist Management ang love team nina Shayne Sava at Abdul Raman dahil bukod sa Raising Mamay, tampok din sila sa isang episode ng Regal Studio Presents: Dear Prince Charming.

Kailangan talaga sa bini-build up na love team na sunud-sunod ang project para magmarka sa fans. Gaya ng ginagawa nila sa love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Walang sinabi kung kailan ang airing ng episode nina Shayne at Abdul sa Regal Studio Presents, abangan na lang ng kanilang fans.

Dahil magtatambal uli sila, okay lang siguro sa kanilang fans na iba ang makakapareha ni Abdul sa sitcom ng GTV na Tols.  Hayaan n’yo na, para makaalagwa nang bongga ang career nito.

Robin, kakarerin ang pagbabago ng saligang batas

Kahit si Robin Padilla, nagulat na nag-number one siya sa mga nanalong senador sa katatapos na eleksyon. Ang dami kasing kontra sa pagtakbo niya kabilang si Rowena Guanzon na naalala naming, tinawag na low IQ si Robin.

Ano kaya ang masasabi ni Rowena na nag-number one si Robin?

Anyway, naniniwala si Robin na ang pagna-number one niya ay patunay na gusto ng mga Pilipino, lalo na ang mga bumoto sa kanya na baguhin na ang Saligang Batas na kanyang plataporma.

May sinabi rin si Robin sa kanyang pagna-number one sa mga nahalal na senador na sana, makarating sa mga senador, kahit ‘yung mga dati nang nakaupo.

“Siguro panggising na ito sa mga mambabatas natin dahil sino ba naman po ako. Ang minahal po ng tao dito ‘yung plataporma ko na baguhin na natin ang Saligang Batas at wala na pong iba. At kung magkakaroon po ng unang sesyon eh ‘yun po ang unang-una nating ihahain.”

In-announce na rin ni Robin ang pagkuha niya kay Atty. Salvador Panelo bilang kanyang legislative consultant, adviser, at mentor habang siya ay nakaupo sa senado.

Still on Robin, inalmahan ng supporters nito ang pagtawag sa kanya ng Rappler na “pardoned ex-convict” si Robin. Disrespectful daw ang Rappler at binuweltahan sila at  tinukoy ang kaso ni Maria Ressa ang CEO ng Rappler na convicted daw sa kasong libel.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with