^

Pang Movies

Jinkee, nagpaka-low profile pagkatapos ng eleksyon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jinkee, nagpaka-low profile pagkatapos ng eleksyon

Umalis ng bansa ang pamilya Pacquiao.

Sa Japan ang biyahe nila para isang charity event – marathon – na gaganapin sa May 22, 2022 sa City Football Station (Tochigi).

Makakasama ni outgoing Sen. Manny Pacquiao sa nasabing event ang Cyber Japan dan­cers, AKB 48 & MNL 48, The Brow Beat and Kiryuin Sho.

Pagkatapos ng election ay mabilis na natanggap nina Sen. Manny at Jinkee ang desisyon ng mga bumoto.

Si Jinkee ay nagpaka-low profile muna. Hindi na rin muna siya naglalagay ng caption sa mga post niya at ito ngang pag-alis nila ay wala siyang ibinigay na details.

Alden, milyun-milyon ang ootd sa New York

Grabe, Almost P18 million pala ang worth ng suot na watch ni Alden Richards nang dumalo siya sa premiere night ng Stranger Things Season 4 sa New York recently.

Yes ganun kamahal ang Patek Phillipe Nautilus watch ni Alden ayon sa isang online seller ng luxury brand.

Kung sabagay sa status naman ni Alden, afford naman niya talaga ang nasabing relos na nagiging status symbol ngayon ng mga celebrity.

Dior din daw from head to foot ang suot ng actor. ‘Yun nga lang, puna nila, hindi bagay kay Alden ang belted suit na ginamit niya.

Nagmukha raw siyang maliit.

Well, hindi si Alden ang dapat sabihin, ang kanyang glam team na namimili na ng mga isusuot niya.

At least hindi na lang OOTD ng mga actress ang binabantayan ngayon, pati ang mga sinusuot ng mga actor, ginagawan na rin ng resibo.

Ang kaibahan lang nga ng mga star natin, sila personal money nila ang ginagastos. Ang mga Korean star talaga, ang mga luxury brand ang nag-i-sponsor sa kanilang  series.

Meron akong pinapanood na K-drama series, lahat ng suot ng bidang si Lee Sung-kyung sa Shooting Stars, Chanel.

Sana ganundin ‘yung ibang star natin. Especially, female stars na gumagastos sa kanilang OOTD tapos ita-tag nila ang mga social account ng mga luxury brand samantalang sila naman ang bumili at nagpa-source sa mga online shopper.

JINKEE PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with