^

Pang Movies

Anne, kasado na ang pagbabalik!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anne, kasado na ang pagbabalik!             

Inabiso na nilang muli na ngang magbabalik ang tunay na reyna ng Showtime, si Anne Curtis. Matagal na nawala si Anne, dahil kailangan niyang magbakasyon dahil sa kanyang panganganak at pagkatapos ay pinangatawanan muna niya ang pagiging nanay ni Dahlia.

Noon pa nila kinukumbinsing bumalik si Anne, malakas kasi siyang pambatak sa show, at kahit na sabihing pansamantalang ipinalit sa kanya si Kim Chiu, iba pa rin talaga si Anne.
At ngayon ngang babalik na siya, siguro naman mabibigyan nila ng ibang trabaho si Kim, lalo’t marami siyang bashers sa social media lately.

Sa pagbabalik ni Anne, tiyak na lalakas ang content ng show. Sa totoo lang naman, mas maganda na talaga ang content nila dahil ang Eat Bulaga ay naging game show na lamang. Iyon nga lang, matindi naman ang premyong ipinamimigay nila sa kanilang games, at saka ang panonood ng TV, habit na kaya nga mahirap talagang itumba ang isang show na halos kalahating siglo na.

Pero sa pagbabalik ni Anne, mas magkakaroon siguro sila ng laban. Ang problema nga lang, ang kanilang show ay nasa cable, internet, at sa kanilang nai-blocktime na istasyon, na kahit na pagsama-samahin ang combined audience, mahirap itapat sa isang network na on the air na may napakarami pang provincial stations.

Bukod sa pagbabalik sa TV show, magkakaroong muli ng concert si Anne, at siguro hindi nga magtatagal ay gagawa na rin siya ng mga pelikula. Bukas na ang mga sinehan ngayon at kailangan na ang mga artistang panonoorin ng mga tao sa sinehan, hindi na iyong sa internet lang.

James, nanahimik na naman

Tahimik na nakabalik sa bansa si James Reid. Ni walang nakatunog ng pagbabalik niya. Kaya walang ingay, siguro nga wala namang naging mala­king development sa pamamalagi niya sa US. Siguro ang naging drawback, Australian kasi si James at hindi naman kano, isa pa maliit ang kanyang height kung ikukumpara mo sa mga artistang kano.

Pero ang napansin namin sa mga kumalat na pictures at video niya sa internet, mukhang nag-improve ang hitsura ni James. Parang mas bumata siya at na­ging pogi. Kung sa hitsura lamang, tiyak na hahabulin siya ng fans. Kaso, sino ang mamumuhunan?

Aminin natin, hindi naging maganda ang pag-alis niya sa Viva. Sa ngayon naman baka mahirapang sumugal ang ABS-CBN dahil off the air pa nga sila at walang franchise.

Manager at dating movie writer, matindi ang pinagdarasal

Halos araw-araw, panay raw ang pagtitirik ng kandilang dilaw ng isang manager at isang dating movie writer, para ipagdasal ang kanilang “kaibigang” artista. Eh karaniwan, ang mga kandila sa mga tirikan sa simbahan ay puti, kaya ang ginagawa nila nagdadala na lang sila ng kandilang dilaw at nakikitirik na lang sa tirikan sa simbahan.

Ang ibig sabihin nito, matindi ang pinagdarasal niya para sa artistang ‘yun.

ANNE CURTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with