^

Pang Movies

Mariel at Heart, iisa na ang ‘circle!’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Parang magiging BFF sina Mariel Rodriguez and Heart Evangelista.

Tiyak na belong na sila sa Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) matapos ang proclamation ng mga nanalong senador kahapon.

Number 1 ang actor turned politician at number 5 si Sen. Chiz Escudero.

‘Di nakadalo si Mariel sa naganap na proclamation kahapon. Sina Sen. Bong Go, Phillip Salvador, brother niyang si Rommel Padilla at iba pang kaibigan ang kasama ng action star including Nadia Montenegro.

Nasa Spain pa si Mariel at ang mga anak nila with Mariel’s parents na umalis last week para magbakasyon.

Si Heart naman ay kasama ng mister na si Sen. Chiz kahapon.

Villar TV inaayos na, nakikipag-partner sa ABS-CBN?!

Uy medyo may galaw raw sa Villar TV sabi ng isang source.

May naririnig daw siyang may nakikipag-usap na sa ilang talent and staff para sa kanilang mga inihahandang programa though sabi nga ay baka matagalan pa bago mangyari ito dahil wala pa ngang mga equipment ang Villar TV unless nga raw magkaroon ng parnership sa ABS-CBN.

Pero inaasahan daw na dito magkakaroon ng comaback si Toni Gonzaga at maging si Andrew E.

Matagal nang napapabalita na diumano’y si Willie Revillame ang magiging big boss ng nasabing network.

Nauna na ring sinabi ni former senator Manny Villar na bukas siya sa pakikipagsosyo sa ABS-CBN. Sinabi rin niya sa isang interview na nag-e-explore ang kanilang grupo ng katulad sa US news and entertainment conglomerates na The Walt Disney Co.

Ipinagkaloob ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ang Channel 2 analog at Channel 16 digital TV frequencies na dating ino-operate ng ABS-CBN.

Jeric, namayat kay Rabiya?!

‘Payat ni Jeric Gonzales’ ang mabilis na comment ng ibang mga nakasabay niya sa swab test kahapon sa GMA 7. “Baka naman pinapagod masyado ni Rabiya Mateo,” comment ng iba pang andun.

Madalas nakaalalay si Jeric kay Rabiya at minsan pa nga raw ay ginagawa nitong driver ang actor.

Pero ayon sa isang malapit kay Jeric, kailangan daw talagang pumayat ng actor para sa Start-Up na babalik na uli sa taping matapos ang short break.

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with