^

Pang Movies

Andrea, dedma sa bashers dahil kay Ricci   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, dedma sa bashers dahil kay Ricci            

Dahil happy ang love life ngayon ni Andrea Brillantes, hindi niya gaanong nararamdaman ang mga pangba-bash sa kanya lately.

Sey niya sa panayam ni Ogie Diaz sa YouTube vlog na Ogie Diaz Showbiz Update, “hindi naman po sa manhid, it’s just that hindi lang po ako naaapektuhan sa kanila. Lalo na siyempre, parang more than 10 years na po ako sa industriya kaya sanay na sanay na ho ako.”

Of course ay nasasaktan pa rin naman daw siya pero it’s just that at this point in her life ay hindi raw talaga nakakaapekto sa kanya ang mga masasakit na salitang ipinupukol sa kanya.

In fairness, kitang-kita nga kay Andrea na ang saya-saya niya. May ningning ang kanyang mga mata at pati ang smile niya ay glowing talaga. Na siguro nga ay dahil sa in-love siya at kumbaga, masyado siyang masaya ngayon para maapektuhan ng bashers.

Sey pa ng aktres, paano raw siya magkakaroon ng panahon sa bashers eh ang mas prinoblema niya ay ang UAAP championship ng Ateneo Blue Eagles at ng UP Fighting Maroons kung saan ay player nga ang boyfriend niyang si Ricci Rivero.

“UAAP ang ang nasa utak ko the whole time! Iniisip ko talaga, gusto ko lang manalo ang UP. ‘Yun talaga ‘yung ini-stress ko ho,” pag-amin ng aktres.

At nakamit naman ng UP ang championship after 36 years kaya naman proud na proud si Andrea sa boyfriend. “Ang saya ko, at siyempre masaya ako para sa boyfriend ko kasi before pa naging kami, nu’ng nag-uusap pa lang kami, sinasabi na niya talaga, gusto niya lang is mag-champion.

“Dahil last season na niya, gusto niyang mag-exit ng maganda. So, I’m very happy for him at natupad ‘yung gusto niya,” saad ni Andrea.

Edu, naimbiyerna pa sa piloto

Maging si Edu Manzano ay naimbiyerna sa pilot ng Cebu Pacific Airlines na nagkalat ng fake story about Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Twitter account ay nagbigay ng statement si Edu.

Isang netizen kasi ang nag-tweet ng “until this pilot is grounded, it’s best not to fly #CebuPacific.”

Ini-retweet ito ni Edu at inayunan ang netizen. “I have to agree! What is his state of mind? I will definitely not fly #CebuPAC until they have addressed the issue,” ang tweet ni Edu.

Ayon pa sa aktor, hindi raw niya ipagkakatiwala sa nasabing piloto ang buhay ng kanyang pamilya.

ANDREA BRILLANTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with