^

Pang Movies

Beauty, NR sa paglipat ng manager   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Beauty, NR sa paglipat ng manager            

Maraming nagtatanong bakit iniwan na ni Kapuso actress Beauty Gonzalez ang dati niyang mana­ger, si Arnold L. Vegafria at ang ALV Management nito? 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ni Becky Aguila ng Aguila Artist Management si Beauty, pero walang magbigay ng sagot tungkol sa pag-alis ni Beauty. 

Nang tanungin ang ALV Management, si Beauty na raw lamang ang tanungin, ganoon din naman si Becky, mas mabuti raw manggaling kay Beauty ang sagot sa tanong sa kanila.

Sa ngayon ay nasa second leg ng lock-in taping si Beauty ng The Fake Life kasama sina Ariel Rivera, Sid Lucero, Bea Binene at Jake Vargas. 

Mapapanood na sila starting June 6, kapalit ng Artikulo 247.

Winwyn, nakaranas ng postpartum disorder

Nakaranas pala si Winwyn Marquez ng postpartum disorder after two weeks na she gave birth to her baby girl, si Luna. Nakaramdam daw siya ng pressure, kaya iyak lamang siya nang iyak ng ilang araw.

Nakabuti raw naman sa kanya na may nakakausap siya. Instagram post niya:

“For two weeks, there are times that I find myself fold under the pressure of it all and cry for days pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask help because even if I think I can do everything alone and be a super mom with my new born – I can’t yet. Laking tulong may kausap na kaibigan and fami­ly, la­king tulong na supportive ang partner… a simple hug ang paalaala na nandiyan siya, malaking bagay na. Sabi nga nila it will be a little easier as days go by.”

Rhian, kinaawaan

Gigil na gigil na ang netizens kay Kris Bernal at awang-awa naman sila kay Rhian Ramos dahil lagi itong api-apihan ni Kris. Parehong mahusay na actress ang magkalabang sina Klaire/Carmen (Kris) at MJ (Rhian) sa GMA Afternoon Prime na Artikulo 247.

Napapanood ang Artikulo 247, 4:15 p.m., after Raising Mamay sa GMA 7, until June 3

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with