^

Pang Movies

Kris, inuulan ng dasal!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, inuulan ng dasal!

Inulan ng maraming dasal si Kris Aquino matapos ang rebelasyon niyang life threatening na ang kanyang mga sakit pero lumalaban siya para sa mga anak na sina Joshua and Bimby.

Kahit nga ang controversial na political analyst na si Prof Clarita Carlos ay pinagdasal na si Kris. “I first saw Kris Aquino when she was like 8 years old, while  cutting the ribbon of a fast food outlet at the SM North mall...

She delivered her short speech extemp and she was very articulate...

We have followed her to her adulthood as the feisty, fun loving daughter of our president... 

Later, she shared with us her sadness and her unhappiness from her, admittedly, many errors in judgment in love...

I have always admired her chutzpah... being her own person and not really caring a whit what the rest of us think...

Today, given her very serious medical challenge, I hope you will join me in summoning all the positive energy of the universe, to help her heal...”

Though may mga bashing pa rin sa kabila ng kanyang pakiusap, parang naawa naman ang mga hardcore basher, medyo napahinga sila.

Sen. Bong, naghahanap ng bagong katambal

Ngayong araw makikipag-meeting si Sen. Bong Revilla sa GMA 7 para sa bagong project pagkatapos ng Book 2 ng Agimat ng Agila. Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa ang naging kapalit ng Agimat.

May pinaghahandaan ba siyang bagong project, kasi sabi, pagkatapos ng Agimat ng Agila, may Book 3 or may bago?

 “Abangan n’yo, today, may meeting ako with the GMA. Bukas ‘yon, so we’ll see by today pero titingnan ko nga kung Book 3 or new project, or… siguro something new muna ‘no para maiba nang konti,” chika niya kahapon nang sorpresahin nila nina Mayor Lani Mercado kasama sina Bryan and Jolo si Nay Lolit Solis sa 75th birthday episode sa digital show nila ni Mr. Fu na Take It! Take It! Me Ganon?! Dumating din kahapon si former MTRCB chair Rachel Arenas.

Fantasy pa rin ba ang gusto mo o comedy? “Depende… comedy, pwedeng… depende sa pag-uusapan namin tomorrow.”

Sundot na tanong, nabitin daw ang beauty queens kasi nag-enjoy raw talaga sila na kasama ka.

Parang spoiled yata sila sa ‘yo Sen.? Ang tinutukoy na beauty queens ay sina Rabiya Mateo, MJ Lastimosa and Michelle Dee.

Sabay tawa : “Wow, spoiled. Baka maintriga na naman tayo diyan. Para nating mga kapatid syempre ‘yan.

“In fact, nakaka-miss talaga ‘yung taping. Sabay-sabay na rin ‘yung eleksyon kaya sobrang busy lang din kaya no communication sa mga kasama natin sa cast pero one of these days magge-get together kami ng cast ng Agimat ng Agila, parang reunion na.”

 Pero naisip na ba niya kung sino ang gusto niyang maging leading lady if ever? “Tingnan natin… marami, eh.”

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with