^

Pang Movies

Rayver, nagdeklara na ng pagmamahal kay Julie Anne   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rayver, nagdeklara na ng pagmamahal kay Julie Anne            

Nag-declare na ng kanyang pagmahahal si Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose. Kaarawan ng aktres kahapon (May 17) at nagkaroon ng birthday salubong para sa kanya last May 16.

Of course ay present si Rayver sa celebration base na rin sa mga Instagram post na nakita namin mula sa management nilang Sparkle GMA Artist Center.

Sa isang video ay makikitang nagbibigay ng speech at birthday message si Rayver para sa celebrant at dito niya sinabi nang bonggang-bongga ang kanyang nararamdaman para sa dalaga na ikinakilig talaga ng mga naroroon.

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat tulad nga ng sabi ni Barbie (Forteza), totoo naman, na bles­sings ka sa lahat ng tao, blessing ka for me. You inspire everyone especially me,” simula ni Rayver.

Nagpasalamat ang aktor sa buong pamilya ni Julie Anne dahil daw nakakabisita siya sa bahay nito.

Dito pa lang ay maririnig na sa video na kinikilig na ang mga tao sa venue. Pero heto na ang pinakabonggang pangkilig na sinabi ni Rayver.

“Happy, happy birthday Juls, ang gusto kong sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal,” mensahe ng aktor at napakalakas na sigawan ang narinig namin.

“Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” pagtatapos ng aktor at pagkatapos ay lumapit kay Julie Anne at niyakap ito nang mahigpit sa gitna ng pagsisigawan ng lahat.

Inabutan ng flowers ni Rayver si Julie Anne at pagkatapos ay niyakap niya itong muli.

Speechless naman ang aktres although makikita mo namang masaya rin siya at kinikilig sa mga sinabi ni Rayver.

So, malinaw sa mga tinuran ng aktor na nanliligaw pa lang siya kay Julie Anne at willing siyang maghintay kahit gaano katagal sa matamis nitong “oo.”

Oliver at Migs, balik-tambalan sa BL movie

Matapos magkasama sa BL movie na Unlocked, balik-tambalan ang mga aktor na sina Oliver Aquino at Migs Almendras sa Vivamax movie na Memories of a Love Story mula sa direksyon ni Jay Altarejos.

Isa nga ito sa mga dahilan kung bakit nila tinanggap ang pelikula aside from the fact na nakatrabaho na nila si direk Jay.

“I think, may comfortability na ako kahit paano with Oliver din,” sey ni Migs.

Ayon naman kay Oliver na napakaraming beses nang nakatrabaho si direk Jay, talagang hindi raw niya kayang tanggihan ang direktor.

“Parang nakakahiya na rin pong tumanggi kay direk sa sobrang dami niyang naitulong sa akin at naituro sa pag-arte, sa lahat ng bagay, sa buhay, sa mga naituro niya sa akin.

“’Pag si direk, wala na, eh. Parang ‘sige po, direk.’ ‘Pag sinabi niyang ‘gawin mo ‘to,’ ginagawa ko na lang. May tiwala na rin ako sa kanya. Hindi naman niya ako ipapahamak,” sabi ni Oliver.

Bagama’t maraming beses na rin siyang nakagawa ng BL movies, bawat role na ginagampanan niya ay may challenge pa rin daw sa kanya.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with