^

Pang Movies

Lea, may pasilip sa kanyang character sa Pretty Little Liars…

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lea, may pasilip sa kanyang character sa Pretty Little Liarsâ¦

“Coming summer 2022,” sabi ni Lea Salonga sa pasilip sa kanyang character  sa seryeng  Pretty Little Liars: Original Sin na mapapanood sa HBO.

September last year nang i-announce ni Lea na kasama siya sa naturang serye.

Contract ni Ian kay Ogie, pang-forever

Bongga ang pa-welcome kahapon ng ATeam headed by Ogie Alcasid kay Ian Veneracion.

Si Ian ang bagong alaga ng management group ni Ogie at present ang iba niyang talent like Poppert Bernadas, Moira Lacambra, Aikee and Anthony Barrion sa ginanap na face-to-face press event kahapon. “And we’re so excited to work with Ian in many coming projects and other possibilities. We really look forward to doing more live performances,” umpisa ni Ogie.

Malawak ang coverage ng kanilang partnership. Pero binigyan ng freedom ni Ogie si Ian sa mga gusto niyang gawin particularly sa pelikula o teleserye kaya naman nagpapasalamat si Ian dahil alam niya, andun daw si Ogie para sumuporta sa mga gagawin niya. “This is mainly out of friendship. When I went into singing, I was so flattered because Ogie, an established sing-songwriter, was so encouraging, he really welcomed me and even produced a concert for me at Music Museum. He’s very supportive and we talk about music all the time. And golf. And it’s nice for an artist like me na may mag-manage ng aking schedules. Malaking bagay yun so I can concentrate on more creative stuff, like honing my craft,” pahayag naman ni Ian.

Samantala, katatapos lang mag-recording ni Ian ng rock song na Ninuno. Natapos na rin niya ang isang series na Afterkill with Andrea Torres and Joel Torre.

Nang tanungin namin kung ilang years ang pinirmahan niyang contract with ATeam, “Lifetime daw,” sabay tawa ni Ian.

Jose and Maria, winner sa GV

Good vibes lang ang panonood ng Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Sakto sa timpla sa mga mag-asawang kailangan ng push para mas maging matibay pa ang relasyon.

Nag-premiere nung Sabado ang first ever sitcom ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera sa GMA 7.

Lutang talaga ang pagiging komedyana ni Marian pero nadadala niya para lumambot ang asawang mas sanay sa drama.

Kaya pak ang tambalan nila. Congrats DongYan.

2 Good… ng KathNiel, iba ang dating

Nung Sabado ng gabi rin nag-premiere sa Netflix Philippines ang 2 Good 2 Be True nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Parang Korean ang presentation. Visually stunning.

Interesting din ang story at parang makakalimutan mong 10 years na ang tambalan ng KathNiel dahil fresh ang approach ng character nila.

Nag-uumpisa pa lang at sana, ma-sustain ang kuwento at hindi lumaylay.

LEA SALONGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with