^

Pang Movies

Paghalik ni James sa kapwa lalaki kalat na kalat, tinuturong bading

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Paghalik ni James sa kapwa lalaki kalat na kalat, tinuturong bading

Whoaa napagkamalang bading si James Reid.

Hot topic kasi ang paghalik niya sa pisngi ng kapwa lalaki.

Yes he kissed a guy sa cheek at inassume agad na siya ay isang bading ng ibang nasa social media.

Yes, ginawang big deal ang nasabing video na nag-trending at hinusgahan na ang kanyang sexuality.

Business partner niya diumano ang nasabing kapwa lalaki na lumabas na bineso-beso ni James, na kinilalang si James Thomas. Kaya ang mabilis na reaction nila, may new loveteam na raw, #JaJa.

Depensa naman ng isang follower ni James : “James Reid is not a gay! Sabay sila ng birthday celeb nung “business partner” niya. May truth or dare na ganap. I don’t see any problem with that at all.”

Deleted na raw sa TikTok ang nasabing video na may almost 1 million views na pero siyempre marami na ang nakakopya.

Three days ago nang nag-birthday si James.

May request pa nga siyang no more cake.

“Happy to say this is and will be the best year of my life #29

“Thanks for all the birthday wishes but please no more cake have mercy on me,” post niya.

Well, hindi reliable source of information ang TikTok at dahil lang sa ilang seconds na video, nasa rainbow side na agad si James?

After Nadine Lustre, walang na-link kay James except for Nancy McDonie of Momoland na nakita raw magkasama sa Amerika last March. Si Nadine ay kuntento sa piling ng karelasyong si Christophe Bariou, isang negosyante from France na may boutique hotel sa Siargao.

Dra. Belo, tanggap na tanggap na ang pagiging senior citizen!

May hangover pa ang lahat sa May 9 elections, kaya pang-good vibes ang chika ni Dra. Vicki Belo.

Ito ay nang marinig niya ang mga comment matapos na siya ay pumila sa senior lane last Monday.

“My best “senior” moment should I be flattered or insul­ted?,” caption niya sa isang video post two days ago.

“Senior moment.

“It’s just a light story because the mood is a bit heavy. So, last Monday, when I went to vote, I was with Hayden, Quark, Bianca, and Atom,” umpisa ni Dra. Vicki.

Dahil sabi nga, box-office ang nakalipas na election, kaya pumila rin si Dra. Belo tulad ng ordinaryong tao, “When we got there, ang haba ng line. Grabe!

“So, for the first time, kahit ayokong aminin, umamin na po ako na senior na po ako. Kasi I saw the line in the senior, medyo short.

“So I went to the senior line and I said, ‘Excuse me po, is this the line for senior?”

“Sabi ng girl du’n, ‘Senior?’ Sabi ko, ‘Yes!’

“And she goes, ‘O sige, you sit here. What’s your number?’” pag-aalala sa nangyari ng misis ni Hayden Kho.

“And then when I sat there, bigla na lang narinig ko from the back, may medyo galit! Sabi niya, ‘Akala ko ba pang-senior lang itong area na ‘to? Bakit nandiyan iyan?’

“Ohhhh!” lang daw ang reaction niya dahil hindi niya alam that time kung matutuwa siya o magagalit.

“Should I be mad or happy because she didn’t think I was a senior, and so I guess I’m happy!

“Thank you very much! It’s the best compliment I’ve ever receive ‘coz it’s so genuine!”

Sixty-five years old na si Dra. Belo pero sabi nga ni Hayden, “because her heart is pure and childlike.”

Super active rin ang social life ni Dra. Belo at makikita mo talaga na enjoy lang siya sa mga ginagawa niya.

Nanonood siya ng championship ng UAAP. Graduate si Dra. Vicki ng Psycho­logy sa UP.

Anyway, saya nga naman na hindi siya napagkamalang senior.

Saka iba rin siguro na ang mister mo ay guwapo at mas bata kaya energetic pa si Dra. Bel

JAMES REID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with