^

Pang Movies

DongYan, pinasilip ang totoong buhay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
DongYan, pinasilip ang totoong buhay

Parang ang ganda-ganda ng trailer ng Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera na nag-umpisa nang mapanood kagabi.

Feel mo ‘yung sweetness at chemistry ng dalawa, plus parang true to life ang ibang eksena kaya parang may konti ka na ring silip sa family life ng dalawa.

Parang ang saya-saya nina Dingdong at Marian sa trabaho. Special talaga ang Jose and Maria’s Bonggang Villa dahil ngayon lang uli nagsama ang mag-asawa sa isang project.

Sure ako na marami ang tuwang-tuwa sa dalawa dahil nga parehong masarap kasama sa trabaho kaya jackpot ang team nila.

Parehong generous at very kind sina Dingdong at Marian kaya halos lahat sa production staff, type silang kasama. Good vibes ang lahat, kaya tiyak na maganda ang rating nito.

Good job DongYan.

Boy, bongga ang pa-steak

Naloka ako kay Boy Abunda, Salve. Alam mo namang 8 p.m. palang ng gabi tulog na lahat sa bahay kaya big deal ‘pag merong tumawag o pumunta ng beyond that time.

Siguro wala nang space sa freezer ni Boy Abunda ang steaks ng Cooking Ina kaya kahit 11 ng gabi ay ipinahatid niya sa bahay ko, hah hah hah. Talagang nagulo lahat ng tao, nagising, at hindi na ako nakatulog agad dahil nga bihira o never na merong naghatid ng ganu’ng oras sa bahay.

Kaloka talaga, dahil nahilo-hilo ako sa hindi pagkakatulog. Pero bongga ang steak na birthday gift sa akin ni Boy at Papa Bong Q dahil mamahalin, patunay na hindi niya ako nalilimutan, pero request ko sa kanya na please huwag gabi ipahatid, kung puwedeng hintayin ang umaga, huh huh huh, sorry rin sa naghatid na talagang naghintay nang matagal bago kinuha ang dala niya dahil nga tulog na halos lahat ng tao sa bahay, hindi na tuloy siya nabigyan ng coke at biscuit, hah hah hah.

Hay naku, nalimutan kasi ni Boy na 75 years old na si Lolit Solis kaya hindi na puwedeng mapuyat. Love you, Boy Abunda, thanks, sarap ng steaks, pangmayaman talaga, Abunda talaga ang taste, hah hah hah.

DINGDONG DANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with