^

Pang Movies

Rayver, may basbas ng magulang ni Julie Anne   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rayver, may basbas ng magulang ni Julie Anne            

Congratulations to Kapuso Limitless star Julie Anne San Jose, the Silver Medal Awardee from the New York Festivals TV & Film Awards for her concert, Limitless: A Musical Trilogy.

Today, May 15, mapapanood ang first part ng said concert, titled Breathe, na kinunan ang kabuuan sa Mindanao; sa Sunday, May 22, ang part 2, titled Heal, shot in the Visayas at sa May 29, ang part 3, titled Rise shot in Luzon.

Sa last two parts ng concert, special guest ni Julie Anne si Rayver Cruz, kaya dito siya natanong ng real score between her and Rayver.

Totoo bang her family has already given ‘basbas’ to her and her rumored boyfriend?  Hindi naman nagkaila si Julie: “Ang totoo ko pong status ay masaya, you can ask Rayver about this, masaya po, very, very happy,” sagot ni Julie. “Welcome naman po siya sa bahay at nakikita naman din po ng mga magulang ko ‘yun. Okey po siya with my family and he has the blessings from my parents.  Ever since naman po talaga masaya pong kasama si Ray, we enjoy each other’s company.”

Sanya, todo ang natatanggap na pang-aalipusta

Tapos na ang national election natin, pero ang romantic-drama series na First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, ay nasa campaign period pa at marami na ang naghihintay kung paano malulusutan ni First Lady Melody (Sanya) ang mga intriga at paninira sa kanya, unang-una na rito ay ang wala raw siyang karapatang kumandidato, wala siyang alam dahil isa lamang siyang yaya. Naroon pang bigyan siya ng yaya uniform at iyon daw ang dapat niyang isuot.

Sa June 30 ay proclamation na ng newly-elected President of the Philippines, sabayan din kaya ito ng proclamation ni First Lady Melody? Napapanood gabi-gabi ang First Lady after ng 24 Oras sa GMA 7

Panganganak ni Xian, inaabangan!

Maraming netizens na sumusubaybay sa False Positive ang nagtatanong paano raw magsisilang ang isang lalaking nabuntis? Ito kasi ang nakakaintriga sa four-week love story-comedy series nina Yanni (Glaiza de Castro) at Edward (Xian Lim), na gabi-gabi ay inaabangan ng viewers kaya naman, nagpasalamat si Xian sa kanyang Instagram post: “Thank you all for watching False Positive. Masakit talaga ang pinagdadaanan ko sa seryeng ito dahil saan lalabas ang batang nasa tiyan ko kundi sa ____?”

Pero marami sa mga nanonood nito gabi-gabi after First Lady sa GMA 7 ay nagsasabing stress reliever daw ang serye at humahanga sila sa pagiging versatile ni Xian sa kanyang role.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with