^

Pang Movies

National artist ni Nora, may pag-asa na ba?  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
National artist ni Nora, may pag-asa na ba?             

Naalala lang namin, in a few more days, birthday na ni Nora Aunor. Kung noong araw iyan marami na tayong naririnig na preparasyon. Naghahanda na ang RPN 9 para sa kanyang TV celebration sa show niyang Superstar, noong mawala naman iyon, si Kuya Germs naman ang laging nagbibigay ng tribute sa kanya sa TV shows ng Master Showman.

Natatandaan namin doon sa isa sa pinakahuling tribute sa kanya ni Kuya Germs, dahil hindi na nga siya makakanta noon, ginawang guest sa show ang isa sa kanyang naging leading man, si Victor Laurel na siyang umawit ng Lollipops and Roses na theme song ng kanilang pelikula noon.

Masyado kasing matagal na nawala si Nora. at nang magbalik siya, wala siyang nakuhang mala­king project talaga.

Nitong bago mag-eleksyon, nag-file sila ng partylist niya. Isa naman iyon sa na-reject ng COMELEC. Hindi sila naniwala na may kakayahan iyong kumatawan sa isang marginalized sector.

Tapos nagulat na lang kami dahil may ine-endorse na siyang bagong partylist, ang Bicol Saro, na hindi naman natin naririnig ngayon kung nanalo rin ba o hindi.

May mga lumabas din siyang pictures na naka­suot ng hoodie ng BBM-Sara team, pero hindi rin naman siya lumitaw sa alin man sa political rallies ng grupo. Malamang hindi iyon napansin ng coordinators na naghahanap din ng volunteer artists.

Ang isa pang natatanong ngayon, possible raw kaya na sa pagkakataong ito ay maideklara na ni incoming President BBM si Nora bilang isang national artist? Lalo na’t nagpakita rin naman siya ng suporta sa UniTeam?

Dalawang president na ang nag-reject kay Nora. Una si PNoy (Noynoy Aquino), tapos si Presidente Digong (Duterte).

Mabigyan na kaya siya ng consideration sa ilalim ng administration ni President BBM?

Sen. Tito, sa showbiz na uli

Nagpasalamat si Ciara Sotto sa mga kaibigan nilang hindi bumitaw at sinuportahan ang father niyang si Senate President Tito Sotto, bagama’t natalo nga iyon sa kanyang vice presidential bid. Ngayon masasabi na namin, dahil tapos na naman ang eleksyon, bumoto rin kami kay Senator Tito.

Kahanga-hanga ang senador dahil isa siya sa mabilis na nanawagan sa pagkakaisa pagkatapos ng halalan. Eh ganoon talaga ang pulitika. Ano ang magagawa mo kung talo ka?

May mga tao naman sa kabila ng pagkatalo ni Senator Tito ay natuwa, kasi baka nga raw maaari na siyang mapanood na muli sa Eat Bulaga. Kahit naman pangulo siya ng senado, kung may okasyon ay sumisipot pa rin siya sa longest running noontime show, na isa siya sa nagsimula.

Baka rin daw mabalikan ni Senator Tito ang paggawa ng mga kanta. Maraming nagawang kanta si Senator Tito noon na naging malalaking hits din.

Siguro nga, ngayong mapapahinga siya, magagawa niya ulit iyon, maliban kung ilalagay naman siya sa isa ring posisyon sa gobyerno matapos ang isang taon.

Female Star, ‘di na naman sinuwerte

Isang mapait na mapait na ampalayang bilog ang napaghahambingan ngayon sa isang matabang female star na masamang-masama ang loob sa mu­ling pagkatalo ng kanyang kandidato.

Dalawang magkasunod na eleksiyon na nalam­paso ang kayang kandidato, hindi sa isang close fight, laging natatambakan ng boto ang kandidato niya. Pero siguro nga kung natatanggap na rin ni female star  sa kanyang sarili na hindi na siya sikat, at kung may ikakampanya siyang kandidato ay kumuha na lang siya ng ibang artista para magkampanya sa kandidato niya, baka mas ok pa.

Nasanay kasi siya sa walang talo noong araw eh.

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with