^

Pang Movies

Chismis is life... Pres. Digong, aminadong miyembro ng mga marites

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bongga. Agree si outgoing President Rodrigo Duterte na republic of Marites na ang ating bansa.

Sa kanyang public adrress ay nag-joke siya na isang bansa ng mga chikadora / chismosa na ang Pilipinas. “Kung gusto mo ng chismis, marami ako. Lahat ng ano… This is a republic of Marites na ngayon eh,” pagbibiro niya sa umereng taped brie­fing kahapon ng umaga.

“Lahat ng tao may tsismis, babae at lalaki. Noon sa mga babae lang ‘yan. Nag-aaway mga babae na pangalan Marites talaga,” na ikinatawa ng ibang cabinet members na andun sa briefing sa Malacañang.

“Magsabi doon sa classroom, Marites tsismosa,” dagdag pa niya.

In all fairness, sumikat ang mga Marites noong kainitan ng kontrobersiya kina Paolo Contis and Yen Santos. Kanya-kanyang version ang mga Marites sa totoong nangyari kina Paolo at LJ Reyes.

Hanggang nasundan ito ng isyu kina Aljur Abrenica and Kylie Padilla.

Lumawak ang mga Marites hanggang ito na nga, sabi ni outgoing President Duterte, republic of Marites na ang ating bayan.

Nag-umpisa ang Marites sa Mare ano ang latest kaya ayon hanggang nadagdagan na at hindi na lang Marites. Meron na ring Marisa, Mariposa,  Mosang at marami pang iba.

Kasi nga at the end of the day, chismis is life.

Hahaha.

Andrea, may bagong leading man sa GMA

Sinabi si Andrea Torres na may mga maiinit siyang eksena sa Argentine film na Pasional kung saan dumating sa bansa ang film crew nito ka­makailan para tapusin ang shooting ng pelikula.

Kasama sa dumating sa Pilipinas ang director nito na si Francisco D’Intino, assistant director, Nicolas Cacciavillani, producer, Agustin Clerico, and Andrea’s leading man, Marcelo Melingo.

Nag-shooting sila sa Caramoan, Camarines Sur and Coron, Palawan.

Sa Cordoba, Argentina nag-umpisang mag-shoo­ting. 

Anong masasabi mo na ikaw ang napili sa project na ito at international pa?

 “Of course, it’s a huge honor for me, kasi kahit papaano po parang nagkakaroon sila ng idea kung paano ang Pilipino, ‘di ba, kung ano ‘yung mga traits natin, kung paano tayo magtrabaho dito, and happy din naman po ako na na-enjoy nila ‘yung lugar natin pagpunta nila dito.

“Very, very happy na nabigyan ng ganitong opportunity. Kaya everyday talaga na kasama ko sila at nagtratrabaho kami, talagang buong atensyon ko nandu’n,” sagot ni Andrea sa ginanap na media conference the other day.

Gaganap si Andrea bilang Mahalia sa Pasional, isang dating tango dancer at kasalukuyang hurado ng International Tango Dance Festival.

Aftert Pasional ay may gagawin siyang programa sa GMA 7 : “Narinig ko po, meron pong show na gagawin very soon na niluluto po sila. So excited din po ako do’n kasi kung totoo ‘yung naririnig ko, parang first time ko rin makakatrabaho ‘tong aktor na ‘to na makakasama ko.”

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with