^

Pang Movies

Ramdam ang age gap...Alden, ‘di pa artista nang idolohin si Bea!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ramdam ang age gap...Alden, �di pa artista nang idolohin si Bea!            

Nagti-taping na sina Alden Richards at Bea Alonzo ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start-Up pero hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala ang aktor na leading lady na niya ang kanyang iniidolong aktres.

Sa panayam kay Alden ng GMA 7, aniya ay nostalgic pa rin ang feeling na hindi pa siya artista ay fan na siya ni Bea pero ngayon ay kasama na niya. “Kanina, nu’ng we were doing a scene, sabi ko, ‘idol ko ‘to dati.” Idol ko ‘tong… I mean, this very talented woman, I used to look up to her, ‘di pa ‘ko artista. Meron lang siyang nostalgic feeling na parang…’ wow, ngayon, kaeksena mo na, seryoso ba ‘to?’” wika ni Alden sa panayam ng 24 Oras.

Kwento pa ni Alden, katatapos nga lang daw nilang i-shoot ang isa sa heavy scenes at hindi raw siya nahirapan dahil ang gaan katrabaho ni Bea.

“We did quite a lot of workshops. And madali rin naman kasing pakibagayan (si Bea). We talk a lot off-cam,” he said.

Kwento naman ni Bea, playful daw si Alden sa set. “Of course, I knew that before pero extra playful siya rito. Maybe because parang ano niya ‘to, eh, matagal na niyang tahanan ang GMA, so he’s very comfortable around everyone,” ani Bea.

Ine-expect na rin ng aktres na maiko-compare ang version nila ng Start-Up sa original version ng South Korea pero aniya ay gagawin niya ang lahat ng best niya at excited daw siyang bigyang buhay ang lead character sa sarili niyang interpretasyon.

Sanya at Jak, pinagkaguluhan nung bumoto

Dinumog ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto nang bumoto ang mga ito sa kanilang presinto last May 9.

Daig pa raw ng magkapatid ang mga kandidato. Kaya dahil nga raw sa sobrang pagkakagulo ng fans ay nagpasya na ang election inspectors na pabotohin na sila agad. “Nahihiya po kami, humingi naman po kami ng pasensiya sa mga tao at nakakatuwa po na naintindihan naman nila,” ani First Lady sa interview ng GMA 7.

Pagkatapos bumoto ni Sanya ay mainit pa rin siyang sinalubong ng mga tao sa presinto.

Maririnig nga sa video na ipinakita na sumisigaw talaga ng First Lady ang mga tao.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with