^

Pang Movies

Kylie at Aljur, mapapabilis ang annulment?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kylie at Aljur, mapapabilis ang annulment?!             

Suwerte ng mga anak ni Aljur Abrenica, ang lolo nila ay topnotcher senator ngayon, si Robin Padilla. Malas si Aljur, dahil nang mangyari iyon hiwalay na sila ni Kylie. Ang maganda nga lang ngayon kung hihingi na ng annulment si Kylie baka mas madali dahil siyempre maraming magagaling na abogadong kukunin si Robin para makatulong din niya sa mga gagawin niyang mga batas.

Ok din naman iyon kay Aljur, dahil kung makakuha nga ng annulment si Kylie, baka mapakasalan na niya ang syota niyang si AJ Raval, na anak naman ni Jeric Raval, na noong araw ay sinasabing baka makalaban ni Robin bilang action star, pero hindi naman nangyari. Masyadong sikat kasi si Robin noon.

Noon namang tatlong taong nawala si Robin, nawala rin ang Octoarts Films kaya hindi na rin nakaabante si Jeric.

Sinasabi nila, hindi na nga nakabalik si Robin sa dati niyang status bilang isang actor, pero aakalain mo bang magiging senador pa, na nung una ayaw niya pero ngayon ay topnotcher pa.

Sharmaine, pinanghihinayangan

Nagulat kami sa biglang tawag ng aktres na si Sharmaine Arnaiz. Matagal na kaming hindi nagkakausap, hindi gaya noong araw. May ilang pagkakataon na nagkaka-chat kami, alam naman ninyo noong panahon ng pandemic, wala talagang nagkikita.

Personal naman ang usapan namin ni Sharmaine. Kuwentong magkaibigan lang.

Pero si Sharmaine ang isang aktres na pinanghihinayangan namin dahil mahusay siyang aktres.

Kung inyong maalala, kabilang din siya noon sa That’s Entertainment. Nung umpisa, ala-alaga siya ng writer na si Nap Gutierrez, na naging busy naman sa basketball, kaya napunta si Sharmaine sa aming kaibigan noong si Bibsy Carballo. Maraming artistang mina-manage si Bibsy noon, halos lahat ay sikat at awardees. Pero madalas ngang sinasabi niya noon sa amin, “ang inaasahan kong aangat talaga more than anyone else, si Sharmaine. ”

Noon pa naman kasi hindi lang nananalo ng awards si Sharmaine, kumikita rin ang kanyang mga pelikula. Nabibigyan din siya ng magagandang roles sa telebisyon. Pero kung kailan papaangat na talaga ang kanyang career, at saka naman nawala ang manager niyang si Bibsy. Kaya medyo bumagal ang takbo ng career ni Sharmaine.

Nakakahinayang ang mga artistang gaya niyan. Mahusay, at malakas naman ang following. Napatunayan na ang kakayahan bilang aktres, pero mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga hindi marunong umarte pero handa namang maghubad.

Sana nga magbalik ang mga pelikula sa sinehan, at nang huwag namang masayang ang magagaling na artistang gaya ni Sharmaine.

ALJUR ABRENICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with