^

Pang Movies

Luis, magiging Kapuso na?!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May  possibility nga bang maging Kapuso si Luis Manzano matapos siyang mag-post sa Instagram ng photo niya kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Rob Domingo and his dad Edu Manzano na nagpapasalamat siya. Pero sinagot ito ni Luis ng: “bakit paglipat ang pinag-uusapan, ‘di ba pwede pagbibigay pugay lang?”

Minsan nang nabalita noon na lilipat si Luis sa GMA, pero hindi naman ito nagkatotoo.

Mariel at mga anak, sa Spain nag-celebrate ng panalo ni Robin

Nasa Barcelona, Spain na si Mariel Padilla, kasama ang dalawa nilang anak ni newly-elected and number one Senator Robin Padilla at ang parents niya. Instagram post ni Mariel: “Right after voting we got on a plane and we survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids.” (hindi binanggit ni Mariel bakit sila pumunta ng Barcelona.)

Doon na nalaman ni Mariel na nanalo si Robin sa katatapos na 2022 Elections. Kaya nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta at bumoto kay Robin.

Sa Barcelona na raw siya magsi-celebrate ng panalo ni Robin. Doon na nagkuwento si Mariel kung paano sila nagtulong ni Robin sa pagkandidato nito bilang isang Senador sa BBM-SARA Uniteam. Inamin ni Robin sa Facebook na wala silang pondo para gastusin sa eleksyon. “I won’t spend money on the campaign because I saved for my children. That’s why Mariel is doing Live Selling. So cute.”

Nagpasalamat din si Mariel sa lahat ng mga kapartido ni Robin na tumulong sa kanya during the campaign. “Hanggang sa land trip lamang pwedeng sumunod si Robin sa kampanya, wala kasi siyang chopper na pwedeng sakyan papunta sa malayong lugar, kaya isinasabay siya nina Jinggoy sa kanilang chopper, noong bandang huli na ng kampanya, may nag-provide na sa kanya ng sariling chopper na sasakyan. Kaya maraming-maraming salamat sa inyong lahat at sa lahat ng nagtiwala at bumoto kay Robin. Itutuloy po niya ang mga ipinangako niya noong campaign period, isa rito ang ‘Build, Build, Build Project” ni President Rodrigo Duterte.”

Alice, ipinakilala ang panganay na anak!

Ngayon lamang nagkalakas ng loob si Kapuso actress Alice Dixson na ipakilala ang eldest daughter niya, si Sassa, na kasama niya at ng bunso niyang si Baby Aura, nang mag-celebrate sila ng Mother’s Day last Sunday, May 8, sa isang beach. Instagram caption ni Alice: “Being a mom is a gift.  I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice, first with Sassa, our panganay, nang dumating ang bunso, nabuo ang munting pamilya.

“Tho hindi ko sya na-introduce formally when she was a teen kasi napakaprotective ng father niya; pero ngayon na young lady na sya at masters grad pa – the world is now her oyster. I’m so very proud the woman you are & becoming…beautiful inside and out.”

Ang kasama kaya sa photo na little girl ay si Baby Aura at ang dad niya ang may karga sa kanya, natakpan kasi ng caption ang face niya.

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with