^

Pang Movies

Habang siya number 1 senator, utol ni Robin taob sa kalaban!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Habang siya number 1 senator, utol ni Robin taob sa kalaban!

Wala nang habol kay Robin Padilla ang ibang mga kalaban. Number 1 senator na siya base sa partial and unofficial results.

Na kabaliktaran sa naging kapalaran ng brother niyang si Rommel na lumaban sa pagka-kongresista sa Nueva Ecija na tinaob ng kalaban.

Flashback : sinabi ni Robin noong 2019 sa presscon ng pelikulang Bato The Gen. Ronald Dela Rosa Story na isa lang ang pulitiko sa pamilya nila, at si Rommel nga ’yon. “Si Rommel ay tatakbong congressman. Against tayo sa anti-dynasty. Mahirap naman ’yung ako mismo, hindi ka susunod. Practice what you preach. Tama na isa, si Kuya Rommel talaga ang public servant,” aniya sa nasabing interview.

Saka wala raw siyang pasensiya kaya hindi siya puwede sa pulitika.  “Hindi ako p’wede diyan. Wala akong pasensya. Kailangan diyan mapagpasensyang tao. Gusto mo ba may binubugbog ako sa senate? Naku, wag!,” ayon pa kay Robin noon.

Pero sabi nga ni Presidente Duterte “Destiny is not designed by mere mortals like us. It is crafted by God.”

Ang pagiging ‘ordinaryong tao’ ni Robin ang sinasabing dahilan kung bakit nag-number 1 ang mister ni Mariel Rodriguez.

Ordinaryo in a sense na nakaka-relate ang karamihan sa pagiging ‘bad boy’ niya pero malalim, may katuturan ang mga sinasabi kung babalikan mo ang mga interview sa kanya, malayo kesa sa mga ibang kandidato na masyadong pang-matalino.

By the way, ang pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla ay miyembro ng Kakampink at isa ito sa mga dumalo sa ginanap na meeting de avance sa Ayala ng Leni-Kiko Team.

Agot, handang-handa na sa bashers at trolls!

Naka-private na ang Twitter account ni Agot Isidro.

Kaya hindi na basta-basta makapasok ang bashers.

Kilalang palaban si Agot. “I have survived 6 years of trolling and bashing. This time, I won’t take it sitting down.

“Sa trolls, hinding-hindi ako magugutom. Not even in the next lifetime. Hindi ako malalaos kasi hindi ako sikat. Mukha akong matanda kasi matanda na ako. At least, Au naturel.

“Ngayon...”

Kilalang Kakampink si Agot at critical sa magtatapos na gobyerno ni President Duterte.

At galing siya sa mayamang pamilya kaya malabo nga naman siyang magutom kahit pa i-cancel culture siya. Dagdag pa niya “Kung Kailangan nyo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañang. Kung Kailangan nyo ng pera, Singilin nyo yung tallano gold. Hintayin yo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata n’yo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo.”

 

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with