^

Pang Movies

Sylvia, pagod din sa panalo ni Arjo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sylvia, pagod din sa panalo ni Arjo

Gusto ko ang panalo ni Arjo Atayde bilang congressman. Gusto ko dahil alam ko na maligaya si Sylvia Sanchez para sa anak.

Mas pagod si Sylvia sa pagtakbo ni Arjo dahil siya ang madalas lapitan ng lahat nang naghahanap ng tulong at mas aligaga siya sa pag-aayos ng mga bagay-bagay na kailangan ni Arjo.

Talaga palang nasa puso at dream ni Arjo ang pagpasok sa pulitika. Hindi kataka-takang dito siya napunta. At suwerte na bata pa siya, natupad na ang kanyang pangarap.

Lucy at Richard, nagtutulungan para sa Ormoc

Tagumpay ang career nina Lucy Torres at Richard Gomez sa pulitika. Pareho silang winner sa mga tinakbuhan nilang posisyon – si Goma na ang magiging congressman habang si Lucy ang uupong mayor umpisa sa June.

Very passionate si Richard sa anumang pasukin niya, kaya nang mapunta siya sa public service alam mong ibibigay niya nang todo ang lahat nang puwede niyang ibigay. At nagkakatulungan silang dalawa.

Nice for Ormoc dahil napakalaki ng nagawa nila para rito. Lalo pa ngayon na nanalo si BBM na suportado ni Richard noon pa mang simula, tiyak na mas malaking pagbabago ang maibibigay nila sa Ormoc.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with