^

Pang Movies

Balik-Showbiz!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tapos na ang eleksyon. May nanalo na. Siguro naman titigil na ang kuwentong puro pulitika. Magbabalik-showbiz na ang mga artista, after all doon naman sila magaling.

Hindi nila linya ang pulitika. Wala silang karanasan diyan. Hindi nakatulong ang isang tambak na artista sa kampanya.

Tingnan naman natin kung ano ang mabuting mangyayari sa industriya ng pelikula. Ang nanalo ay mula sa isang pamilya na siyang nagpalawak ng Metro Manila Film Festival, at iyon ay naging matagumpay.

Nakipagtulungan naman ang industriya. Gumawa sila ng magagandang pelikula para sa festival. Sinikap din nila noon na ipakilala ang pelikulang Pilipino sa buong mundo. Bitbit ng ating mga trade attache ang kopya ng pelikulang Pilipino saan man may festival, at para lalong makatawag ng pansin, sinimulan nila ang Manila International Film Festival. Ipinatayo ang Manila Film Center na maihahambing mo sa festival palace sa abroad.

Tinulungan nila pati ang industriya ng musika, nagkaroon tayo ng Metro Pop. Hindi ba dahil diyan nakilala sina Hajji Alejandro at Freddie Aguilar hanggang sa abroad, at iyong kantang Anak ni Ka Freddie, naisalin sa 25 iba’t ibang wika at naging malaking hit sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ngayon, ano ang malay ninyo kung maibabalik nga bang lahat iyan? Alam naman natin ang pagmamahal sa sining at kultura ng mga nasa poder ngayon?

Kami maganda ang pananaw namin sa maaaring mangyari sa industriya. 

Kung nabubuhay lamang ang mga old timer, gaya nina Manay Ichu Maceda, o si Kuya Germs, tiyak tuwang-tuwa ang mga iyon dahil may mangyayari na namang maganda sa industriya.

Robin, kinumpara kay Sen. Tito

Maski si Robin Padilla, mismo hindi makapaniwalang mananalo siya at lalabas na siya ay number one senator pa. Kung iisipin na ang lumalabas ay nasa 90% na ng transparency server, hindi na magbabago ang trend.

Iyon nga palang mga dumadaldal, bakit daw ang bilis ng pasok ng resulta sa national eh ni hindi pa nagsisimula ang provincial board. Ganyan ang tanong ng isang singer na aywan kung bakit naging party watcher.

Iyan pong partial unofficial results mula sa transparency server, mauuna talaga iyan, dahil oras na mag-transmit ang VCM, pasok na iyan. Tatapusin muna ang bilang ng VCM, ihahanda ng BEI (Board of Election Inspectors) ang lahat ng mga dokumento, ihahanda nila ang summary at saka ipadadala sa municipal o city treasurer. Iipunin naman nila iyan bago ipadala sa provincial board of canvassers.

Ngayon mabalik tayo kay Robin, hindi ba ganyan din ang sinabi niya noong maging topnotcher si Tito Sotto bilang senador. Siniraan din siya ng grupong iyan, comedian daw number one senator. Eh nakita naman ninyo kung ano nagawa ni Tito Sotto.

Hindi ang senador na walang sinabi kundi noted. Tanggapin na nating lahat iyan. Wala na kayong magagawa. Tambak ang lamang nila.

Aktres, pinatunayang walang hatak

May nagtanong sa amin, bakit daw kaya hindi nanalo ang kandidatong ikinampanya nang todo ng isang sikat na aktres. Isa lang ang sagot namin doon, hindi na siya sikat.

Kumikita pa ba ang mga ginawa niyang pelikula lately? Limang sunud-sunod na flop na siya. May sumikat pa ba siyang kanta?

Iyon bang ipinagkampanya rin niya noong nakaraang eleksiyon nanalo ba? Kailangan nga sigurong tanggapin ang katotohanan na laos na siya.

Ganoon lang naman talaga ang buhay sa showbiz, basta laos ka na huwag ka nang magpilit, humanap ka na lang ng graceful exit.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with