^

Pang Movies

Heart, inuna ang pagpapamasahe   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Heart, inuna ang pagpapamasahe            

Nasa number 5 among the Senatorial candidates si Chiz Escudero, sa pagbibigay ng GMA Network ng unofficial results ng 2022 election, right after ng botohan last Monday, May 9, kaya nagkaroon sila ng chance na makausap via zoom ang kasalukuyang Governor ng Sorsogon. Alam na raw ba ng wife niya, si Kapuso actress Heart Evangelista na nasa top 10 na siya among the senatorial candidates? “Sabay kaming bumoto dito sa Sorsogon ni Heart, and we are staying here, kaya lamang hindi ko pa siya nakakausap, nagpapa-massage kasi siya,” natatawang tugon ng kasalukuyang Sorsogon Governor.

Siguradong ilalabas ni Heart sa kanyang vlog titled Adulting With Chiz ang magandang balitang ito na tiyak na makakabilang na sa 12 new senators ang husband niya sa susunod na tatlong taon, after ng proclamation nila sa June 30.

Bea at Alden, naka-break

Kasalukuyan palang naka-break muna sina Bea Alonzo at Alden Richards ng taping ng Philippine adaptation ng top-rating Korean drama na Start-Up, kasama sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi at Ms. Gina Alajar, dahil natapos na nila ang first leg ng taping last Sunday, bago ang election day last Monday, May 9, kaya si Bea, nag-enjoy ng taping break sa kanyang Beati Farm sa Iba, Zambales.

Magri-resume raw sila ng second leg, next week, lock-in taping na, somewhere in Pampanga, na tatagal ng two weeks, bago sila bumalik muli ng Metro Manila para tapusin ang iba pang eksena ng soap.  

Very soon, mapapanood na sa GMA Telebabad ang Start-Up PH directed by Jerry Sineneng and Dominic Zapata.

Dennis, tutok muna sa mag-ina

The other day, first time nag-share si Dennis Trillo ng photo ng kasisilang na baby girl nila ng wife na si Jennylyn Mercado, at nag-share rin siya ng message niya kay Jen noong Mother’s Day. “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkarooon ng isa pang napakagandang anak na kamukha mo. Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sa ‘yo at sa lahat ng mga nanay na tulad mo. Kaya nirerespeto, pinahahalagahan at mahal na mahal kita. Happy Mother’s Day! I love you.”

Pero marami nang followers niya ang naghahanap kay Dennis, kung kailan daw ito muling gagawa ng teleserye. Ang pinakahuli pa niya ay ang Legal Wives, na pagkatapos nilang gawin nina Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, ay noon naman nagbuntis si Jen, kaya pansamantala muna siyang hindi tumanggap ng bagong project hanggang hindi pa nagsisilang si Jen.

Gusto niyang maalagaan ang asawa at masigurong magiging maayos ang pagsisilang niya ng magiging baby nila na hindi pa nila ipinaaalam ang pangalan.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with