^

Pang Movies

Judy Ann, naiyak kay Sharon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Judy Ann, naiyak kay Sharon

Tapos na ang eleksyon, pero may mga tinamaan pa rin sa post ni Judy Ann Santos na “Nakakaiyak ate... andito kami... kahit tahimik... andito kami.”

 Comment ito ni Judy Ann sa post ni Sharon na ipinakita ang maraming tao na dumalo sa miting de avance nina Leni at Kiko. Sumagot si Sharon ng “@officialjuday Mahal na mahal namin kayo sis! Kasama namin kayo ni Rye at ang mga bata, walang kadudaduda. I love you my sister.”

 Marami ang na-touch sa short convo na ‘yun nina Sharon at Judy Ann, lalo na ‘yung mga nakabasa sa pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan na naintindihan niya kung bakit hindi lahat ng taga-showbiz, kahit mga kaibigan ni Sharon ay hindi siya ang sinuportahan at ibinoto.

Anyway, tapos na ang eleksyon at hinihintay na lang ang resulta ng botohan. Kasama kami sa mga umaasa na after ng eleksyon, magkabati na ang mga nag-away dahil magkaiba ang sinuportahan. Lalo na sa mga magpapamilya.

Miss Spain, nakuha ng VIVA

Nakipagkita kay Mr. Vic del Rosario ng Viva Entertainment si 2021 Miss Universe Spain Sarah Loinaz sa office ng Viva sa may Scout Madri?an, Quezon City. Sa photo, makikita ang isang folder sa harap ng beauty queen at may papers din sa harap nina

Boss Vic at ang kasama ni Sarah na si Josh Yugen.

Hindi kaya pinapirma ni Boss Vic ng kontrata sa Viva Artists Agency si Sarah? Sabagay, malalaman natin kung VAA talent na rin si Sarah dahil nangako itong babalik sa bansa.

“I will really miss this loving country and all the people who are so nice but I might come back soon especially with this 2 icons #BossVicDelRosario- owner of @vivaartistsagency and my best @josh_yugen... can’t wait to announce exciting things to happen in the Philippines soon!”

Si Sarah din ang naka-dinner ni Alden Richards kasama si Gigi Lara ng Sparkle GMA Artist Center at kung bakit sila nagkita at magkasama sa dinner, hindi pa natin alam. Puwedeng magtambal ang dalawa at nagre-request na nga sa GMA-7, Sparkle GMA Artist, at Viva Films ng project para kina Sarah at Alden.

Lotlot tiniis si Nora sa Mother’s Day

Mabuti at wala pang sumusugod sa Instagram ni Lotlot de Leon at nagtatanong kung bakit hindi siya kasama ng mga kapatid niya na dumalaw kay Nora Aunor noong Mother’s  Day? Si Lotlot lang kasi sa magkakapatid ang hindi nakasama sa muling pagbisita nina Ian, Kiko, Keith at Matet de Leon kay Guy nitong nakaraang Mother’s Day.

Sa nakita naming pictures, maganda ang ngiti ni Guy na muling makita at makasama ang mga anak at pawang nakangiti rin ang kanyang mga anak. Sabi ng nag-comment, mas maganda pa siguro ang ngiti ni Guy kapag kompleto sila.

 Tama naman ang fans na ‘wag madaliin sina Guy at Lotlot na maging maayos, darating din ang araw na ‘yun. Hintayin na lang natin na makapag-usap silang dalawa at ayusin kung anuman ang gusot sa kanilang pagitan.

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with