^

Pang Movies

Social distancing nakalimutan na?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagso-shooting raw si KC Concepcion nang makaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan, at lumabas na tinamaan pala siya ng Covid-19.
Pagkatapos noon naramdaman niyang medyo hindi na normal ang kanyang galaw kaya kailangang mag-consult siya ulit sa kanyang doctor ayon sa social media comment ni KC.

First time kaming nakarinig ng ganyang kaso, kamuntik na siyang magkaroon ng paralysis dahil sa Covid-19.

Dito sa atin, marami ang inaatake sa puso, may kumplikasyon sa kidney o kaya sa liver, pero wala pa kaming narinig na muntik nang ma-paralyze. Baka nga ibang variant dahil nasa US si KC.

Pero mabuti naman at naagapan kaya ayon mismo kay KC unti-unti na siyang nakaka-recover.

At nag-worry daw nang husto ang tatay niyang si Gabby Concepcion nang marinig ang nangyari. Pero hindi raw puwedeng basta-basta makaalis ang actor dahil sa commitment.

Iyan ang nakakatakot sa atin ngayon, nitong mga huling araw, hakutan sila nang hakutan ng mga tao  sa political rallies, papaano kung ang kanilang “supporters” ay magkaroon ng Covid two weeks from now, dahil alam naman natin na ang incubation period niyan oras na mahawa kayo ay 14 days. Ano ang gagawin sa inyo ng mga kandidato ninyo, lalo na iyong natalo kung ma-covid kayo?

Kung sabagay, inaasahan na naman ng DOH na possible ang surge pagkatapos ng election na ito dahil siksikan nga ang mga tao sa rally na halos magkapalit-palit na ng mukha. At kahit maluwag pa ang lugar, nagsisiksikan sila para magmukhang marami sa videos, at madali nang mai-edit para sa mga drone shots. Hindi na nila inisip may covid pang nag-aabang sa kanila.

Kaya pagkatapos nitong eleksiyon, ibalik natin ang disiplina. Kailangan ang social distancing.

Iyong mga simbahan nga bawal mapuno ewan kung bakit ang rally ng mga kandidato pinayagan nang ganyan.

Markus at Janella, hinuhulaang magkakabalikan

Noong Mothers’ Day, sa pamamagitan ng kanyang social media
account ay binati ni Markus Patterson ang nanay ng kanyang anak na si
Janella Salvador. Iyan ay sa kabila ng umuugong na tsismis na hiwalay
na nga silang dalawa.

Baka nga nagkatampuhan lang at the moment. Sabihin mo mang may mali kung minsan si Markus, pero kakabilib na pinatunayan niya na kaya niyang panindigan ang nangyari sa kanila ni Janella. Hindi ba’t dinala pa nga niya ang buong pamilya nito sa UK para samahan siyang manganak - si Jude na maging UK citizen.

So sign kaya ito na magkakabalikan din sila?

Ate Vi, hindi nagpakita ng kulay!?

Nagde-deadline kami nang biglang pumasok ang report na bumoboto na si Ate Vi (Rep. Vilma Santos) sa Lipa. Kasama niya sa pagboto si outgoing Senator Ralph Recto at ang kanilang anak na si Ryan. Pagkatapos bumoto, nagbigay ng pahayag si Ate Vi na dapat bumoto lahat at huwag sayangin ang pagkakataong ito, at bumoto na ang iniisip ay ang kabutihan ng bayan.

Nakaputi si Ate Vi nang bumoto, iyan ay isang non-political color. Hindi gaya nung isang artista na wala ngang pangalan ng kandidato ang suot niyang t-shirt, may baller bracelet naman siyang may pangalan ng kandidato niya. Hindi siya pinapasok sa polling area hangga’t di niya tinanggal ang baller bracelet niya.

KC CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with