^

Pang Movies

Dasal kailangan din sa pagboto…  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

No need to remind everyone that today, Monday, May 9, is election day.

Botohan day, in short.

It’s the day, we, Filipinos, na botante na, are given the special privilege na iboto ang bagong set ng mga taong mamamahala ng ating pamahalaan.

Kaya, let’s make sure we do it right.

Suggestion namin, for us, na mag-pray hard.

Yes, for guidance.

Na ang susunod na administration will give us the right governance.

Nang guminhawa ang buhay nating mga Pilipino, lalo na ang ating mga kabataan.

Maricel, ‘di pinagplanuhan ang pagbabalik 

Wala pala sa plano ni Maricel Laxa, now 52, ang muling humarap sa kamera, mapa-TV o pelikula.

Not at this time, lalo pa nga, ilan sa kanyang five children ay puwedeng magmalaking accomplished na.

Isama pa natin si Donny Pa­ngilinan, na, kahit sa international school nagsimulang mag-aral, hanggang magtapos ay nag-aaral pa rin.

Actually, siya lang sa magkakapatid ang tumatahak sa showbiz. Upon the urging ng iba pa nilang kapatid.

Feel daw kasi nila na gusto pa ni Maricel, lalo pa at ang unang ginawa niya ay ang naging top series, Mano Po Legacy: The Family Fortune, co-starring her, among others, with fellow icon, Boots Anson-Roa.

Sa kanyang kasalukuyang project na ginagawa, may leading man si Maricel, si Zoren Legaspi, na dati niyang nakakapareha sa ilang movies ng Regal Films.

Ito ay ang Apoy Sa Langit, which Laurice Guillen directs.

Pokwang, aligaga bilang Kapuso

Mother’s day kahapon (Sunday, May 8) and enjoy to the max si Pokwang sa pakikipag-bonding sa bunsong anak na si Malia, na four years old.

Dalaga na ang sinundan nitong si Malia, si Ria Mae Subong, na ang ama ay isang Hapon.

Twenty-five years old si Ria Mae, na ang dalang surname na Subong ay apelyido ni Pokwang.

Malia is Pokwang’s daughter with her current American partner, Lee O’Brian, na nakasama niya sa pelikulang produced by an international production.

Isa si Pokwang sa pinaka-busy among her contemporaries, na dating nagtratrabaho sa ABS-CBN.

Fifty-one years old si Pokwang at busy siya as a GMA 7 talent.

Among her projects are Mano Po Legacy at madalas mag-guest sa sitcom na Bubble Gang.

Bea, ayaw nang makilala ang tatay

From her mom daw, Bea Alonzo learned na hindi dapat padalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Must daw na mapanindigan mo kung anuman ang naging desisyon mo na.

Lalo’t may kinalaman ito sa trabaho, lalo pa man din personal.

By the way, how true nga pala that Bea has yet to meet her foreigner father? At diumano’y wala balak makilala, much more, maka-bonding.

Para raw kay Bea, sapat nang alam niyang mahal siya ng kanyang ina.

Dati raw isang OFW (overseas Filipino worker) ang mother ni Bea.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with