^

Pang Movies

Rayver at Julie Anne, totohanan na?!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rayver at Julie Anne, totohanan na?!              

Totohanan na ba ang Instagram posts nina Kapuso actor Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, na parang lumalabas na naiinip na si Rayver, kahit kaaalis lamang ni Julie Anne for Boracay para mag-guest sa Happy ToGetHer? Biro kasi ni Rayver na “Julie, kailangan kita,” At sinagot naman ito ni Julie ng “Hahaha, heyyy, I’m back home.”

Kaya nag-comment naman ng fans nila at ng co-actors ng dalawa ng “you two are the cutest,” si Gardo Versoza naman: “bagay na bagay kayo cupcakes!”

Sa ngayon ay medyo busy si Rayver dahil malapit nang ipalabas ang serye nila nina Kylie Padilla at Jak Roberto, ang Bolera sa GMA Telebabad, kapalit ng Mano Po Legacy: Her Big Boss nina Ken Chan at Bianca Umali, Mondays to Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA 7.

Derek, inaming ‘di pa nakikilala ni Ellen ang Kanyang ex wife...

Sa interview ng pilot episode na Updated with Nelson Canlas, kinumusta ni Nelson si Derek Ramsay tungkol sa relasyon nito at ni John Lloyd Cruz, na ex-boyfriend ng wife niyang si Ellen Adarna at father ng anak nitong si Elias.

“All’s well and good,” sagot ni Derek. “We communicate, we’ve had our man to man talk and he knows how much I respect him that he’s the father of Elias and I told him that myself. Nakikita rin daw naman niya how much I love Elias like he’s my own, so there’s respect there. Wala kaming problema on that side.”

Maayos daw ang co-parenting setup nila for Elias, at nag-uusap sila ni John Lloyd kapag nagkikita sila, or kung sinusundo nito ang anak. Lumalabas daw siya kapag sinusundo si Elias or kung inihahatid nito ang anak, “we always greet back at one another.”

Nabanggit din ni Derek sa interview na hindi pa pala nakikita o nakakausap ni Ellen ang former wife niya at mother ng anak na si Austin dahil sa ibang bansa ito nakatira.

Miles, muntik agad matsugi sa Bulaga?!

Ilang araw lamang palang nag-taping sa Boracay ang cast ng GMA sitcom na Happy ToGetHer, headed by John Lloyd Cruz, kasama si Miles Ocampo at iba pang cast members and special guests na sina Kapuso actress Max Collins at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose. Pero mas nauna raw bumalik sa Manila sina Max, Julie Anne, at Miles, kaya si Miles, naka-attend na ng Eat Bulaga, live, last Saturday, May 7. Kaya hindi totoo na wala na siya sa longest-running noontime show, na biruan daw ng co-hosts niya sa show.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with