^

Pang Movies

Lumang pelikula ni Charo, pasok sa Cannes  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lumang pelikula ni Charo, pasok sa Cannes           

Kasama sa special section ng Cannes Film Festival ang first feature film ni Mike de Leon na Itim na pinagbidahan ni Charo Santos.

Makakasama ng Itim sa naturang section ng festival ay ang mga restored films na The Mother and the Whore by Jean Eustache; The Last Waltz by Martin Scorsese, The Trial by Orson Welles and two episodes of Ethan Hawke’s event series on Joanne Woodward and Paul Newman.

Magaganap ang 75th edition ng Cannes Film Festival on May 17 to May 28.

Ang Itim ay pinalabas noong 1976 at isa itong ghost story na tumatalakay rin sa magkaibang paniniwala ng Katoliko at ng occult. Ayon kay Direk Mike, naiiba raw ang pelikula niya sa mga nakasabay na movies ni Lino Brocka noon.

“For personal reasons, this vindicates my long-held belief that you don’t have to do poverty to get noticed, unlike in Lino’s (Brocka) time. Especially if  Batch 81 and Kisapmata are released simultaneously with Itim, e ‘di puwede pala,” sey ni Direk Mike.

Na-restore ang Itim sa L’Immagine Ritrovata in Bologna, Italy, the same company na nag-restore rin ng tatlo pang pelikula ni De Leon na Kisapmata, Batch ‘81 and Kakabakaba Ka Ba?

Ang naturang pelikula ang nagpanalo kay Charo bilang best actress sa 1977 Asian Film Festival.

Ang iba pang surviving cast members ng Itim ay sina Tommy Abuel at Susan Valdez. Pumanaw na sina Mario Montenegro, Moody Diaz at Mona Lisa.

Barbie at Jak, ‘mainit’ ang celebration

Limang taon na ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Sa isang exclusive na resort sa Bohol sila mag-celebrate.

Pinost ni Barbie ang photo kung saan naka-two piece printed bikini siya habang nakapatong ang kamay niya sa matitigas na six-pack abs ni Jak.

“Almost five years of genuine happiness because of this man. My man. I love you so much. Celebrating our 5th anniversary a bit early this year,” caption pa ni Barbie.

Nagpasalamat naman si Jak kay Barbie sa pag-ayos ng bakasyon nilang dalawa para sa kanilang anniversary.

“Sobrang thankful ako sayo Madam! Sa effort na ginawa mo para matuloy tong trip na to, all credits to you mahal ko. Salamat, kaylangan talaga natin to after ng trabaho, sobrang saya ko na finally may nakasama din akong “The One” sa beach at isa nanaman sa pangarap ko ang natupad! Advance happy 5th Anniversary Madam! Mahal na mahal po kita!,” caption pa ni Jak sa IG.

Amber Heard, Kinuwento ang pambababoy ng ex-hubby na si Johnny Depp

Dinetalye ni Amber Heard ang mga karumal-dumal na pambababoy sa kanya ng ex-husband na si Johnny Depp noong magsalita na siya sa sinampa sa kanyang $50 million defamation case.

Sa sinimulang testimony ni Amber, ang inakala raw niyang disenteng tao na nakilala niya sa pelikulang The Rum Diary in 2011 ay biglang nag-iiba dahil sa paggamit nito ng droga at pag-inom ng alak.

Panimula ng aktres: “I am here because my ex-husband is suing me. I struggle to find the words to describe how painful this is. This is horrible for me to sit here for weeks and relive everything. This is the most painful and difficult thing I’ve ever gone through, for sure.”

“He slapped me across the face and I laughed. I didn’t know what else to do. I thought, ‘This must be a joke.’ I just stared at him. I had never been hit like that before. I just stared at him because I didn’t know what to do. He slapped me one more time, hard. I lost my balance.

“He’d push me; he’d shove me down and I’d get back up. When I’d get back up, I’d look him in the eye… That was my way of defen­ding myself at that time — I look at him… Eventually, he’d just hit me. I remember he hit me in the face when I denied having an affair with my ex-boyfriend. He said he had proof and I denied it. I was walking out of the bedroom and he slapped me across the face. Eventually, I’d see him drinking again. When I started to get upset, noticing the pattern of violence with the drinking and drugs, he would start sneaking it.”

CHARO SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with