^

Pang Movies

Gladys at Jaclyn, naging masunurin  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gladys at Jaclyn, naging masunurin             

Hindi kami sa kani-kanino, pero palagay namin tama naman ang sinasabi nina Gladys Reyes at Jaclyn Jose. Tama ang kanilang desisyon para sa kanilang sarili na sumunod sa mga tagubilin na itinakda ng pamunuan ng kanilang relihiyon. Iyon na kasi ang kanilang nakagisnan at sinampalatayanan.

Sa simula’t simula pa ay ganoon na ang kanilang tradisyon, at tama si Gladys mayroon naman iyong batayan sa mga Banal na Kasulatan, na matatagpuan sa unang sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto 1:10. Sinasabi nga naman na sila ay kailangang magpakita ng pagkakaisa maging sa paghatol. At sino nga naman ang magtatakda ng kanilang kaisahan, di iyong pamunuan.

Hindi mo naman masasabing nakaki­ling lamang sila isang partido.

Pinag-aaralan kasi iyan batay rin sa report ng mga local kung ano ba ang nagawa ng kandidato, hindi lamang para sa kanila kundi para sa kalahatan. Kung ikaw ang kasapi ng sekta, masasabi mo bang pinilit ka? Masasabi mo bang binigla ka? Hindi ba’t sa simula pa lang ay alam mo na ang tradisyong sinusunod, at pumayag ka nang sumapi ka. Eh ano ang inaanga­l-angal ninyo ngayon?

Pero may sinasabi pa ang isa naming kaibigan, “iyang mga umaangal na sinasabi nila, trolls iyan na hindi naman kasapi sa INC.” Posible iyan. Mga nagpapanggap lamang para sirain ang paniniwala ng pagkakaisa nila.

Kanya-kanya ang paniniwala eh, at legal ang kanilang ginagawa, ano naman ang karapatan ng kahit na sino na umangal. Kung kami rin ang tatanungin, dapat sundin ang pamunuan.

TV personality, nakabawi sa Mother’s Day

Hindi rin naman masasabing ganap na nasira ang mothers’ day ng isang television personality ngayong araw na ito. Inilabas ng Philippine STAR ang isang artikulong sinulat ng kanyang bunsong anak, kung anong klaseng ina siya talaga. Naging mabuti ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak. Kung hindi ba, magiging isang matagumpay na negosyante ang kanyang bunsong anak at sinasabi ngang sa ngayon ay matatawag na bilyonaryo na rin dahil sa kanyang negosyo.

Sinabi rin nito na hindi lamang ito mabu­ting ina. Sinimulan niya ang kanyang kuwento kung papaanong nakatulong sa mga tao ang nanay niya, at kung papaano noon isinulong ang pagbibigay proteksiyon sa kalikasan bilang isang broadcaster pa lamang.

Kasabihan na nga ng mga Pilipino, “hindi mo matitiyak na sa isang puno ng mangga ay puro matamis na bunga ang iyong makukuha. Kahit na anong alaga ang gawin mo sa puno, may lalabas pa ring maasim.”

Pero nakakatuwa, hindi nasira ang mothers’ day niya.

Female star, masama pa rin ang loob sa first BF

Alam kaya ng boyfriend ng female star na ito na hanggang ngayon ay iniiyakan pa niya ang naging split nila ng kanyang unang boyfriend, kahit na marami na rin iyong naging girlfriends pagkatapos niya at ngayon may syotang mas bata pa sa kanya? At masamang-masama nga raw sa loob ng female star na ang isang girlfriend noon ay binalikan pa samantalang siya ay hindi.

May duda raw siyang ginamit lang siya noon at wala naman talagang gusto sa kanya. Na dapat pa bang maging duda

GLADYS REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with