Pia at karelasyong si Jeremy, pinaghandaan ang announcement ng engagement
Delayed ang announcement ng magkarelasyong Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey sa kanilang engagement sa Amanpulo.
Noong Wednesday pa raw naganap ang nasabing proposal ng travel influencer sa former Miss Universe.
Pero kahapon lang nila inilabas sa social media account nila. “We found the perfect place to celebrate and tell you guys…” post nila sa kani-kanilang social media accounts.
Umapaw naman ang congratulatory messages sa confirmation ng kanilang engagement.
Marami nang nakapansin na itinatago lang ni Pia ang engagement nila dahil nga naghanap sila ng perfect timing para sa social media announcement na kahapon nga naganap.
- Latest