^

Pang Movies

K-Actor, tuloy ang pagsikat sa ‘Pinas  

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
K-Actor, tuloy ang pagsikat sa âPinas             

Darating daw sa Pilipinas sa susunod na buwan ang Korean actor na si Kim Soo-hyun. Dadalhin yata siya rito ng isang garment factory. Kilala si Kim sa Pilipinas dahil sa maraming serye na kanyang pinagbidahan at nailabas na rito sa Pilipinas.

Si Kim sa kasalukuyan ay sinasabing highest paid actor sa South Korea, lalo na’t matapos siyang manalo ng sunud-sunod na acting awards.

Lalo siyang sumikat dito sa Pilipinas nang maging endorser din siya ng isang sikat na doughnut chain.

Palagay namin mas nakilala pa siya dahil sa doughnut, kasi nakikita namin ang maraming teenagers na babae na nagse-selfie katabi ng kanyang standee sa isang doughnut chain.

Ang kuwento pa nga, maraming nag-aalok na bibilhin nila ang doughnut posters na may picture ni Kim.

Mukhang mas sumikat siya dahil sa doughnut kaysa sa manggagawa ng briefs.

Masaya iyan pero nakakalungkot din dahil ang pinagkakaguluhan ng fans ngayon, at tinatangkilik pa ng advertisers ay ang mga Koreano ganoong marami rin namang artista at modelong Pilipino na puwede.

Rayver at Julie Anne, parang unreal?!

Hindi pa rin ako kumbinsido sa love team nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Pakiramdam namin all for show lang ito.

Saka feel ba ng fans?

Maraming gimmick pero ‘yun nga parang pilit ang dating. Parang gaya rin noong ini-love team nila si Julie Anne kay Elmo Magalona, bago lumipat ang huli sa ABS-CBN.

Kasi ang love teams, hindi naman basta ginagawa iyan.

Naalala nga namin ang madalas sabihin noon ng star builder na si Kuya Germs (German Moreno), “tingnan mo muna kung kakagatin ng tao. Tingnan mo rin muna kung sila mismo ay naniniwala sa love team nila dahil kung hindi wala ring mangyayari.”

Noong panahon ng That’s Entertainment, minsan may binubuong love team ang fans, na hindi ayon si Kuya Germs dahil, “sila mismo hindi naniniwala eh. Hindi naman nila gusto ang isa’t isa at sa pagharap niyan sa tao, mahahalata iyon. Hindi kailangang totohanin ang relasyon, pero at least gusto nila ang isa’t isa. Mayroon namang talagang magsyota na sinasabi niyang “sayang lang dahil hindi kakagatin ng publiko at mababatak pa sila pababa.”

Tama naman siya. Ganoon nga ang nangyayari. Kasi matindi na ang karanasan ni Kuya Germs sa show business. Alam niya ang takbo ng negosyo. Aral din siya sa mga naunang star builders kabilang na si Doc Jose Perez at si Don Jose Zara. Kung ano ang natutuhan niya noong araw, iyon din ang ginagamit niya. Hindi gaya ng gumagawa ng love teams ngayon na puro obserbasyon lamang nila.

Dating aktor, ginamit ang aksidente para rumaket sa mga bading

May picture si dating male star na naaksidente raw siya sa motorsiklo niya. May kaunti siyang galos sa braso at sa mukha rin, pero mukhang pinalalala niya ang balita. Sinasabi niyang kailangan pa niyang magpa-CT scan, at nanghihingi na naman siya ng ayuda sa kanyang Facebook friends.

Kaso madalas na niyang gawin iyan, at hindi basta hingi, may itinatakda pa siyang presyo. Noong lockdown, wala raw silang makain, nanghihingi siya ng pambili ng isang sakong bigas at groceries daw, kaya ang kailangan niya ay P5K.

Aba magaling na negosyante, tumutubo kahit na walang puhunan. Sinasamantala niya kung mayroon pa ngang mga bading na maloloko niya, kaso mukhang wala na rin.

Una hindi na siya bagets, at mukhang matanda na.

KOREAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with