^

Pang Movies

Mga alahas ni Marian, laging pinepresyuhan...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hinihintay namin na presyuhan ng fans ang suot na singsing at bracelet ni Marian Rivera sa post niya na may hawak na Flora Vida flower na nakalagay sa vase. Tungkol sa Mother’s Day ang post ng aktres, pero siguradong after reading the caption, magpo-focus ang fans sa suot niyang alahas.

May 12M followers na sa Instagram si Marian, kahit kalahati man lang noon ang mag-research ng presyo ng suot niyang ring and bracelet, malalaman na natin pati ang pangalan ng alahas nito. (Alhambra - Van Cleef & Arpels ateng ang brand. Hehehe. May collection si Marian niyan. - Salve)

Anyway, may mediacon sina Ma­rian at Dingdong Dantes today, para sa sitcom nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa na premiere na sa May 14. First sitcom ito ng mag-asawa at aliw naman ang teaser na napanood namin. Si John Lapus ang director ng sitcom at malalaman natin ang rason kung bakit siya ang kinuhang director ng GMA 7.

Pag nanalo… Robin, itra-translate sa tagalog O bisaya ang mga batas

Marami ang natuwa sa mga nakabasa sa pahayag ni Robin Padilla kapag siya ay nanalo sa May 9 elections.

“Sana, pag ako ay nandiyan na sa Senado, isa lang ang maipapangako ko sa inyo: maiintindihan niyo po ako sapagkat hindi po ako mag-a-adjust sa mga senador na diyan na nag-i-Ingles diyan, na makikipagpangalingan ng English diyan.

“Gagawin ko po ang lahat na ang mga batas na maisusulong ay ma-translate iyan sa Tagalog, sa Bisaya o kung ano man ang maiintindihan ng ating mga kababayan; para tayo po ay hindi nalilinlang nung mga taong gusto tayong linlangin.”

Bale ba, mas lumakas ang posibilidad na manalo si Robin dahil positibo ang feedback ng tao sa kanya (although may mga kontra sa pagtakbo at pagkapanalo niya). At isa siya sa senatoriable na inendorso ng Iglesia Ni Cristo at ilang milyong boto rin ‘yun.

Therese, magdya-judge sa International Filmfest

Naging daan ang balitang magiging judge ang Sparkle artist na si The­rese Malvar sa isang A-list International Film Festival para manawagan sa Sparkle, GMA 7 at GMA Network ang fans ng aktres. Nananawagan nga ang fans ng aktres na sana, mabigyan ng lead role si Therese dahil sayang ang acting talent nito na hindi nailalabas.

Puro raw supporting roles ang ibinibigay kay Therese at minsan, kontrabida pa.

Anyway, this early, sinasabi ngang isa si Therese sa malaki ang tsansa na manalo ng best actres award sa Oporto International Film Festival sa Portugal para sa pelikulang Broken Blooms.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with