^

Pang Movies

Pangalan ng anak nila Dennis, may ibang meaning   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naghihintay pa rin ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kung ano ang meaning ng “Baby D” na tawag nila sa bagong silang nilang baby girl. Maikli lamang ang ibinigay na statement ni Dennis sa Chika Minute ng 24 Oras, “Everything went smoothly inside the operating room and both Jennylyn and Baby D are doing very well now. Despite having sleepless nights these past days, Jen and I are very much enjoying our time as parents and we are very thankful that we are blessed with a healthy baby girl.”

Baby D was welcomed by her parents last April 25 at around 5 p.m. She weighed 5.7 pounds. Sa vlog na inilabas ng mag-asawa last Sunday, sabi nila dapat daw ay pupunta lamang sila sa hospital for checkup, “pero bigla na lang kaming… bigla na lang eto na… manganganak na raw. Hindi kami ready,” sabi pa ng mag-asawa.

Allen, nainggit kina Sofia at Saviour

Inaabangan na ang isang love team from GMA’s Sparkles’ Sparkadas, that of StarStruck 7’s runner-up na si Allen Ansay, at si Prima Donnas’ Sofia Pablo, na nauna kay Allen pasukin ang showbiz.

During the pandemic, pansamantalang nawala sa Prima Donnas si Sofia dahil wala pa siyang 15 years old noon, pero nagpatuloy ang friendship nila ni Allen dahil sa vlog nilang dalawa.

Now 16 years old na si Sofia, balik-love team sila ni Allen, at pinagtambal nga sila sa katatapos na afternoon prime drama, pero nasundan agad ito ng isa pang serye, ang Raya Sirena, na gumaganap na mermaid si Sofia, at best friend naman siya.

Excited si Allen sa muling pagkatambal nila ni Sofia, kahit may isa pang leading man ito, si Saviour Ramos, na gumaganap namang merman.

Aminado si Allen na naiinggit siya kina Sofia at Saviour dahil may exciting scenes daw ang dalawa underwater.

Pero naaawa rin siya sa kanila dahil hirap silang kumilos sa suot nilang mga buntot. Pero kung magkaroon ba ng twist ang story at maging merman din siya papayag ba siya? “Opo, game na game ako, para maranasan ko naman ang ibang role.”  

Maraming nakakapansing Allen is becoming more good-looking, hot young actor.

Ang Raya Sirena ay napapanood every Sunday, 3:05 p.m. sa GMA 7.

Miles, iniyakan ang birthday sa EB

Napaiyak si Miles Ocampo nang mag-celebrate siya last Monday ng kanyang 27th birthday sa Eat Bulaga (May 1 ang birthday niya), after ng kanyang dance number ay pumasok si Jose Manalo na may dalang birthday cake na tinukso siya bakit siya umiiyak?

“Gusto ko pong mag-thank you sa Eat Bulaga. Ngayon lang po ako makakapag-blow ng cake sa TV,” sagot ni Miles.

Pero walang candles ang cake, kaya dali-dali silang kumuha ng candles at nakapag-blow din ng candles sa cake si Miles. “Sana po hindi ito ang last. Gagalingan ko po sa susunod, promise.”

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with