^

Pang Movies

Jennylyn, sinabak agad sa kampanya ang anak!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jennylyn, sinabak agad sa kampanya ang anak!

Bongga ang mag-asawang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado.

Sinabak agad ang bagong silang nilang anak sa kampanya.

“Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis (bawal mastress sabi ni doc!). Pero syempre hindi rin maari na hindi ako manindigan lalong lalo na ngayon na may bago akong silang na anak. Kinabukasan niya ang nakasalalay dito e,” bahagi ng post niya.

“Sinuman ang mananalong mga opisyal ng gobyerno ay may mahalagang papel na gagam­panan sa buhay ng anak namin sa loob ng anim na taon na sila ay manunungkulan sa pwesto. Anumang magagawa nila sa anim na taon na iyon ay magbibigay daan sa kung ano ang mundong kanyang kakagisnan oras na siya ay nagdalaga na at mag-isa ng hinaharap ang mundo.

“Kung ako tatanungin, gusto ko mabuhay ang anak namin sa lipunang malaya, ligtas, at puno ng pagmamahal.

“Gusto ko maranasan niya ang buhay na maginhawa, tapat, at may dangal.

“Gusto ko manirahan siya sa bansang umiiral ang katarungan, iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at pinapangalagaan ang kalikasan pati na ang mga hayop.

“Gusto ko lumaki ang anak ko na ang future bessies niya sa LGBTQIA+ community ay malayang nagmamahal at tumatamasa ng pantay na karapatan sa mata ng batas.

“At higit sa lahat, gusto ko mamuhay siya na walang takot at pangamba dahil nirerespeto siya bilang isang babae. Iginagalang, kinikilala ang kakayahan, hindi nililimitahan, at hindi binabastos.

“Kaya sa darating na may 9, iboto natin ang pangulo na ultimate survivor din tulad ko – si Vice President Leni Robredo,” bahagi ng mahabang post ni Jennylyn.

Napaaga ang panganganak ni Jennylyn.

JENNYLYN MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with