^

Pang Movies

Cong. Alfred at PM may death threat, 4 na beses inalok ng pera para umatras   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Humarap sa entertainment press kahapon si Congressman Alfred Vargas at ang kapatid niyang si Konsehal PM Vargas para ipaalam ang nakakababahalang karanasan nila last Monday.

Ang magkapatid ay parehong nanunungkulan sa 5th District ng Quezon City at tumatakbo rin ngayong Halalan 2022. Dahil pangatlong termino na ni Cong. Alfred, he’s running for Councilor naman at si PM naman ang tumatakbong Congressman.

Ayon sa kwento ni Konsi PM, last Monday ay nakatanggap siya sa kanilang opisina sa Novaliches ng isang package at nang buksan niya ay naglalaman ito ng dalawang bala – isa para sa kanya at isa ay para sa kanyang Kuya Alfred.

“Kami po ay nababahala sa isang insidente na nagaganap sa amin. Kahapon, eksaktong 1:17 pm, mayroong dumating sa district office, sa Novaliches District Center, isang pakete na naka-address sa akin. Ang laman ng pakete, dalawang bala ng M-16, isa para sa akin, isa para kay Kuya,” pagbabahagi ni Konsi PM.

“Maliwanag na ang intensyon ng nagpadala ay takutin kami at ang aming pamilya. Sa mahigit isang dekada nating paglilingkod dito sa distrito, ngayon lang po ako nakatanggap ng death threat. Ngayon lang nagkaroon ng ganitong klaseng halalan – marumi, magulo at mapanganib,” patuloy niya.

Pero hindi raw nila hahayaang matinag sila ng ganitong klaseng pangyayari at tuloy na tuloy pa rin ang kanilang laban.

Ibinunyag naman ni Cong. Alfred na apat na beses na silang hinihikayat na umatras sa laban kung saan ay daan-daang milyong piso ang naging alok sa kanilang magkapatid.

“Hindi tayo magpapatinag kahit anong pananakot pa ang gawin nila sa atin,” ani Cong. Alfred.

“Ngayon ay nahaharap kami sa ganitong klase ng death threat na tinaon pa sa dulo ng kampanya. Nananawagan kami sa aming pamilya, mga kaibigan at supporters na samahan ninyo kaming maging vigilant sa lahat ng uri ng kasamaan, pananakot at pandaraya na ginagawa ng ating mga kalaban ngayong eleksyon,” patuloy ng aktor-pulitiko.

Kitang-kita rin ang labis na pag-aalala ni Cong. Alfred para sa kapamilya kaya naman nakiusap din siya sa kanilang mga kadistrito na protektahan ang bunsong kapatid at bantayan ang boto ng bawat Novalenyo.

“Walang puwang sa District 5 ang mga nagsisiga-sigaang sindikato para makuha lang ang kanilang gusto. Habang papalapit na ang araw ng eleksyon, samahan n’yo po kaming protektahan ang ating boto. Tumayo po tayo sa likod ni PM. Let us all stand together to protect PM and District 5,” pahayag ni Cong. Alfred.

Mayor Joy, ayaw pag-aksayahan ng oras si AiAi

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang special guest kahapon sa Take It! Take It! Me Ganon?! online show nina Nay Lolit Solis and Mr. Fu.

Timing naman na may issue ngayon sa pagitan ni Mayora at ni AiAi delas Alas dahil nga sa campaign video na ginawa ng komedyana na kahit saang angulo talaga tingnan ay in bad taste at napaka-unbecoming sa isang tulad niyang itinuturing pa namang Queen of Comedy at Papal awardee.

Sa naturang campaign video kasi ay ginaya ni AiAi si Mayor Joy at ipino-promote niya ang kalaban nito sa politika.

Mabuti na lang at very educated si Mayor Joy na hindi na pinatulan ito. Aniya ay hindi raw niya napanood ang video pero matagal na raw niyang narinig na may planong gumawa ng nakasisirang video ang kalaban tungkol sa kanya.

“In fact, ang hearsay - hearsay lang ito ha, Marites lang ito – na ang budget nila is P10 million,” pahayag ni Mayor Joy.

Ang na-offend daw ay ang supporters at kaibigan niya. Marami raw siyang trabahong kailangang gawin kaya hindi na raw niya ito pinagkaabalahang panoorin pa.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with